𝐌𝐘 𝐀𝐑𝐓𝐈𝐒𝐓𝐈𝐂 𝐏𝐔𝐑𝐒𝐔𝐈𝐓 𝐀𝐍𝐃 𝐄𝐗𝐏𝐋𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 (𝐏𝐀𝐑𝐓 𝟏)
- Fruit of Joy
- Jul 20, 2022
- 4 min read
Updated: Aug 2, 2022
Hello, lovelies! It’s been a long time since nag-blog ako. Kaya for today’s blog, ishe-share ko ang last two years of my life. From 2019 up to this point. Two years palang kasi hindi pa tapos ang 2022. Isa po ako sa mga na-blessed ng counselling ministry ng aming senior pastor na si Ptr. Joe Tacadena.
May 2019 nung na-challenge ako through Ptr. Joe na magbunot ng verse about my career. Before that, nag-resign ako ng March. I grab my last work out of desperation. I learned from that job na mag-put ng standards sa next kong work. Yung work ko na iyon ay katulad ng dati kong work na from Monday to Saturday at palaging ot na minsan ay oty pa. I promised myself na from Monday to Friday lang dapat ang next work ko kasi may ministry ako ng Sunday. Ayokong ma-burn out.
After so many failed applications, na-realize ko na parang may gustong ipahiwatig si Lord sakin regarding work. I prayed and fasted for it. Wala paring specific na instructions after that kaya lumapit ako kay Pastor. I followed his advice to fast again alone pero may kasamang pagbunot ng verse.
During fasting, gumawa ako ng palabunutan. Sobrang tedious kapag nilagay ko lahat ng bible books so I settled for only two: OT (Old Testament) at NT (New Testament). Nabunot ko ay “OT”. After that, nagbunot ako by sections ng OT. Praise God kasi napag-aralan ko sa bible exhibit namin sa church yung bible sections. Nabunot ko ay “Historical Books”, then 2 Chronicles, at lastly Chapter 14. Hindi na ako nagbunot ng specific verse sa chapter 14. In short, 𝟮 𝗖𝗵𝗿𝗼𝗻𝗶𝗰𝗹𝗲𝘀 𝟭𝟰 ang nabunot ko.
Hindi ko na-gets yung nabunot ko kaya bumunot pa ako ng dalawa pa. Na-gets ko na yung third which is Exodus 35. Biniro pa ako ni Pastor na bakit daw tatlo ang binunot ko. Tumagal daw tuloy kami. Hindi lang kasi career ang pinapa-counsel ko sa kanya.
Biblical po ang casting of lots o palabunutan. Mababasa natin sa 𝗝𝗼𝘀𝗵𝘂𝗮 𝟭𝟴:𝟭𝟬,
𝙖𝙣𝙙 𝙅𝙤𝙨𝙝𝙪𝙖 𝙘𝙖𝙨𝙩 𝙡𝙤𝙩𝙨 𝙛𝙤𝙧 𝙩𝙝𝙚𝙢 𝙞𝙣 𝙎𝙝𝙞𝙡𝙤𝙝 𝙗𝙚𝙛𝙤𝙧𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙇𝙤𝙧𝙙. 𝘼𝙣𝙙 𝙩𝙝𝙚𝙧𝙚 𝙅𝙤𝙨𝙝𝙪𝙖 𝙖𝙥𝙥𝙤𝙧𝙩𝙞𝙤𝙣𝙚𝙙 𝙩𝙝𝙚 𝙡𝙖𝙣𝙙 𝙩𝙤 𝙩𝙝𝙚 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚 𝙤𝙛 𝙄𝙨𝙧𝙖𝙚𝙡, 𝙩𝙤 𝙚𝙖𝙘𝙝 𝙝𝙞𝙨 𝙥𝙤𝙧𝙩𝙞𝙤𝙣.
Sinabi din sa 𝗡𝗲𝗵𝗲𝗺𝗶𝗮𝗵 𝟭𝟬:𝟯𝟰,
𝙒𝙚, 𝙩𝙝𝙚 𝙥𝙧𝙞𝙚𝙨𝙩𝙨, 𝙩𝙝𝙚 𝙇𝙚𝙫𝙞𝙩𝙚𝙨, 𝙖𝙣𝙙 𝙩𝙝𝙚 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚, 𝙝𝙖𝙫𝙚 𝙡𝙞𝙠𝙚𝙬𝙞𝙨𝙚 𝙘𝙖𝙨𝙩 𝙡𝙤𝙩𝙨 𝙛𝙤𝙧 𝙩𝙝𝙚 𝙬𝙤𝙤𝙙 𝙤𝙛𝙛𝙚𝙧𝙞𝙣𝙜, 𝙩𝙤 𝙗𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙞𝙩 𝙞𝙣𝙩𝙤 𝙩𝙝𝙚 𝙝𝙤𝙪𝙨𝙚 𝙤𝙛 𝙤𝙪𝙧 𝙂𝙤𝙙, 𝙖𝙘𝙘𝙤𝙧𝙙𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙤 𝙤𝙪𝙧 𝙛𝙖𝙩𝙝𝙚𝙧𝙨’ 𝙝𝙤𝙪𝙨𝙚𝙨, 𝙖𝙩 𝙩𝙞𝙢𝙚𝙨 𝙖𝙥𝙥𝙤𝙞𝙣𝙩𝙚𝙙, 𝙮𝙚𝙖𝙧 𝙗𝙮 𝙮𝙚𝙖𝙧, 𝙩𝙤 𝙗𝙪𝙧𝙣 𝙤𝙣 𝙩𝙝𝙚 𝙖𝙡𝙩𝙖𝙧 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙚 𝙇𝙤𝙧𝙙 𝙤𝙪𝙧 𝙂𝙤𝙙, 𝙖𝙨 𝙞𝙩 𝙞𝙨 𝙬𝙧𝙞𝙩𝙩𝙚𝙣 𝙞𝙣 𝙩𝙝𝙚 𝙇𝙖𝙬
Parehong bumunot si Joshua at ang mga Levita para sa kanilang decision making ayon sa www.gotquestions.org. May iba pang instances sa Bible na nagpalabunutan sila.
During our counselling, binabasa namin ng malakas ang mga verse tapos by God’s wisdom na ibinibigay Nya kay Pastor, ini-interpret nya. Ang sarap ng ganoong feeling. Sini-seek ang God’s will through counselling at God’s word.
After naming basahin at i-interpret ni Pastor ang last verse na Exodus 35, nag-speak si Lord. Ang way ng pagsasalita ni Lord through Pastor ng time na iyon ay through prophetical utterance. Ang prophetical utterance po ay isang spiritual gift. Nagpapahayag si Lord ng personal nyang mensahe sa tao gamit ang isipan at bibig ng taong may kaloob ng prophetical utterance. Sa madaling salita, para itong spiritual “pass the message”.
Ipinahayag ng Panginoon na tinawag nya ako bilang artist hindi lang sa ministry kundi sa trabaho. Hindi nya din ina-allow sa panahong iyon (hindi ko alam kung hanggang kelan) na ako ay pumasok sa pormal na pagtratrabaho. In short, sa pagkakaintindi ko, ako ay magiging 𝗳𝗿𝗲𝗲𝗹𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗰𝗿𝗲𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗽𝗿𝗼𝗳𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹. Walang specific na field ng artistry na binigay si Lord pero sinabi nya na may binigay na Sya sa akin. Na-realized ko na ito ay ang blog writing at music. September 3, 2019 Sya nagpahayag. September 3, 2012 ang first day ko sa work sa first accounting job ko. What a coincidence ‘diba?
Ako po ay double degree Accountancy graduate. Nag-aral ako ng Management Accounting sa UE at Accountancy naman sa NCBA. Nag-further studies ako para kumuha ng CPALE o CPA Licensure Exam. Pangarap kong maging certified public accountant. For a while, akala ko iyon ang calling ko. Ambisyosa ako kaya gusto ko ng license for better pay and better job position. Nag-work na ako sa dalawang kumpanya. Dalawang beses ako nag-review. Dalawang beses nag-take ng board. Dalawang beses din akong bumagsak. Kailangan ko ng refresher course para mag-take ulit. All in all, sampung taon ng buhay ko ang nagamit ko to pursue Accountancy.
Na-shook ako sa message ni Lord sa akin. May challenges akong dapat harapin: talikuran ang accountancy at iwan ang comfort at stability ng corporate world. Natatakot ang fixed mindset ko. Disappointed ang practical mind ko. Pero pinauna na ni Lord na “𝙇𝙖𝙜𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙧𝙖𝙖𝙣 𝙠𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙪𝙨𝙪𝙣𝙙𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙡𝙖𝙜𝙞. 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙠𝙤-𝙘𝙤𝙢𝙥𝙧𝙤𝙢𝙞𝙨𝙚.”
Mahirap ang journey ahead ayon sa aking analytical mind pero hindi ako nagsisisi na nagtanong ako. Gusto ko naman talagang maging artist. Hindi ko lang ine-expect na iyon din pala ang kalooban ng Diyos para sa akin. Iyon ang simula ng aking artistic pursuit.
Sa next blog, artistic explorations ko naman. Ano-ano ba ang mga na-try ko for the sake of art. May mga bagay na nagtagumpay at nag-fail. Tignan natin. Thanks sa pagbabasa. God bless!
Love, Fruit of Joy
Comments