top of page

𝐌𝐘 𝐀𝐑𝐓𝐈𝐒𝐓𝐈𝐂 𝐏𝐔𝐑𝐒𝐔𝐈𝐓 𝐀𝐍𝐃 𝐄𝐗𝐏𝐋𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 (𝐏𝐀𝐑𝐓 𝟐)

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Aug 2, 2022
  • 3 min read

Hello, lovelies! For the next part ng ating blog (series pala ito), ikukuwento ko naman ang mga nasubukan kong art at kung paano ako nagtagumpay o nag-fail sa mga ito.


Last time, natapos ako sa utterance ni Lord na magiging creative professional ako. Walang specific na artistry na binanggit si Lord. Kaya sky is the limit. Ginawa ko ang lahat ng maisipan kong “art”. Sabi din Niya na kaya hindi ako magwo-work ay para hindi ako maabala sa dapat kong bigyan ng pansin: ang maging artist. I spend all the time and effort that I have in studying and practicing art. So, here they are!


𝟭. 𝗚𝗨𝗜𝗧𝗔𝗥 & 𝗞𝗘𝗬𝗕𝗢𝗔𝗥𝗗 𝗣𝗟𝗔𝗬𝗜𝗡𝗚

May 2019 noong nag-start ako sa pag-aaral ng gitara. May nakita akong youtube tutorial ni Justin Sandercoe. May website din sya na ang tawag ay Justin Guitar. Mostly free ang kanyang guitar course. Parang lifetime sya kasi from beginner to advanced level ang scope. Nasa beginner course palang ako til now. Dami nang nangyari since then. May drama like quitting for a while, losing momentum and then going back. Sobrang dami kong natutunan sa kanya. What keeps me going is si Justin mismo. Napaka-passionate nya sa guitar teaching and playing. Nakaka-blessed na free ang kanyang guitar course unlike sa iba. Zero-based knowledge yung approach. Hindi siya intimidating. Napaka-cool pero down to earth. Sobrang humble lang kahit professional sya at experienced. Almost everyday akong naggigitara. Ginagamit ko sya sa praise and worship. Napakasayang tumugtog ng worship songs. Fave ko ang mga kanta ni Pastor Joe.


Year 2020 or 2021 ata ako nag-keyboard. Nagbayad ako ng online course for this. Una kong course na binayaran regarding music. Si Coach Zai Zulueta naman ang teacher ko dito. Nasa part 2 palang ako ng four-part online course nya. Sobrang saya ko kasi hindi ko ine-expect na matututo ako. Hindi ko siya goal sa life. Honestly, I’m not hoping na magiging work ko sya. Pang-personal at ministry lang. Hobby ko lang sya.


Actually, napapansin ko na itong music ang pinagkagastusan ko talaga kasi sa guitar ang daming consumables like string, capo at pick. Hindi din nawawala ang momentum ko dahil hindi pa ako natatapos sa course ni JustinGuitar.


𝟮. 𝗚𝗥𝗔𝗣𝗛𝗜𝗖 𝗗𝗘𝗦𝗜𝗚𝗡

August 2019 nang pumunta kami ng kapatid ko para bumili ng button maker sa Divisoria. Ako ang tagagawa ng layout at production. Si ate ang sa sales and marketing. Kadalasan customized ang order kaya natuto ako ng very light sa Photoshop at Canva.


Ilang beses akong nag-attempt na mag-aral ng Adobe Photoshop dahil gusto kong matuto ng photo manipulation. So far puro pagtanggal lang ng background ang alam ko.


Ang graphic design ang well-studied kong art so far. Ang dami kong free online courses regarding this excluding pa ang Photoshop courses ko. So far, nagagamit ko ito talaga sa ministry.


𝟯. 𝗩𝗜𝗗𝗘𝗢 𝗘𝗗𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚

Just like music, this skill is a pleasant surprise. Never kong na-imagine na matututo ako. Feb 2017 nung napwersa akong matuto kasi need namin ng AVP sa Talent Festival ng aming church. Una kong natutunan ang Filmora na hanggang ngayon ay ginagamit ko parin. I tried learning Adobe Premiere. For a while, ginagamit ko sya para sa prayer meeting pero balik Filmora ulit ako.


Ito ang unang art area ko na nagkaroon ako ng job offer. As in, super excited ako noon. Pero ang ending, hindi God’s will. Hindi ako natanggap. Kahit hindi ako natanggap, may lovegift akong nare-receive sa church as video editor.


Iyon na lang muna. May susunod pa. Thanks for reading! God bless!


Love,

Fruit of Joy

Comentarios


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page