𝐌𝐘 𝐀𝐑𝐓𝐈𝐒𝐓𝐈𝐂 𝐏𝐔𝐑𝐒𝐔𝐈𝐓 𝐀𝐍𝐃 𝐄𝐗𝐏𝐋𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 (𝐏𝐀𝐑𝐓 𝟑)
- Fruit of Joy
- Aug 2, 2022
- 2 min read
Good day lovelies! Kamusta kayo? Nasa part 3 na tayo ng devotional blog series na ito. Last time, kinuwento ko ang aking artistic adventure sa music, graphic design at video editing. Ngayon naman ay about photography at sketching naman tayo. Ito na ang second to the last ng ating series.
𝟰. 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗚𝗥𝗔𝗣𝗛𝗬
Noong 2018, umattend kami nila Pastor Joe at ng kanyang anak na si Ate Jehan ng workshop seminar about video editing. Ginanap ito sa Baguio. Tumagal ito ng five days. Kumuha ako ng pictures mula doon. Na-discover ko na pwede ka palang maging contributor sa shutterstock, ang compilation ng mga downloaded pictures and videos sa internet. Miraculously, na-approved ang isang photo ko.
Last 2019, nang padalhan ako ng aking kapatid na nasa abroad ng Canon DSLR. Doon ako nag-commit na mag-aral ng photography. I downloaded yung pdf format ng manual. Sinulat ko sya sa notebook. Madami naman akong natutunan. Nahirapan ako. Honestly, ang photography ay hindi ko masyadong gusto. Well, the vain reason is hindi kasi ako photogenic. Gusto ko pa naman ang candid photography. Hindi ko sure kung may ganoong photography pero katulad sya ng portraiture. Hindi ako mahilig sa ginagamit ng mga pro na manual mode. Lagi akong naka-full auto o kaya creative auto. Nahihirapan ako kapag manual na. Parang magic kasi na naaayos kapag naka-auto. Shaky din ang hands ko kasi pasmado. Mas gusto ko paring mag-edit ng video kesa kumuha ng footages. Sa ngayon, pinapahiram ko ang camera ko sa kakilala ko na freelance photographer na. Hindi ko na sya muna pinu-pursue sa ngayon.
𝟱. 𝗦𝗞𝗘𝗧𝗖𝗛𝗜𝗡𝗚
Noong nakaraang taon, nag-aaral ako ng graphic design. May nakita ako sa reddit na 50 days logo challenge. Everyday gagawa ka ng logo via digital or through sketching sa papel. Sabi nila, if you want to be a graphic designer, dapat at least marunong kang mag-sketch. Hindi kailangan na magaling kang mag-drawing, basta at least you can sketch. I try the challenge. Doon nagsimula ang sketching hobby ko.
Alam nyo ba na before ko pinangarap na maging writer, pinangarap ko munang maging painter? Naalala ko yun bigla. Sabi kasi sakin ng kapatid ko na hindi daw ako yayaman sa pagpipinta kaya kinalimutan ko na agad ang pangarap na iyon. Nare-revive sya dahil sa nagi-sketch na ako. Ang sketching ang pinaka-relax kong activity. I don’t expect too much out of it. Bunga na rin ng mga natutunan ko na na wag masyadong mag-expect para hindi ma-disappoint. Last time kong nag-drawing ay nung high school pa ako. Napakatagal na noon. Praise God dahil nakapag-drawing na ulit ako ngayon. Hindi ko pa nata-try mag-add ng color sa mga drawings ko. Puro plain sketch or pen drawings palang.
Iyon lang muna ulit, next time naman ay writing. Ang pang-huli sa ating series😊
Love,
𝙁𝙧𝙪𝙞𝙩 𝙤𝙛 𝙅𝙤𝙮🍒
Comments