top of page

𝐌𝐘 𝐀𝐑𝐓𝐈𝐒𝐓𝐈𝐂 𝐏𝐔𝐑𝐒𝐔𝐈𝐓 𝐀𝐍𝐃 𝐄𝐗𝐏𝐋𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 (𝐏𝐀𝐑𝐓 𝟒)

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Sep 2, 2022
  • 3 min read

God’s morning lovelies! Ito na ang ating last blog para sa series na ito. Ang last art area na ikukwento ko ay ang aking passion: writing. Ang passion kong ito ang nag-udyok sa akin na simulan ang blog na ito. June 23, 2019 noong na-published ang page na ito. Tatlong taon na ang nakakalipas.


Ito ang art area na nagkumbinsi sa akin na tanggapin na ang maging alagad ng sining.


Bata pa lang ako, mahilig na akong magbasa. Hindi pa uso ang social media noon kaya wala pang ebooks o pdf. Wala pang cellphone. Mapalad ako na naabutan ko ang panahong iyon. Ang lahat ng gusto mong basahin ay sa libro mo mababasa. Kailangan ng library para mag-research. Wala pang google search noon.

Dahil sa mahilig akong magbasa, nagustuhan kong magsulat.


Gusto kong sumulat ng mga istorya na katulad ng paborito kong basahin like short stories, fiction, comics, atbp. Kapag nagbabasa ako, naglalakbay ang utak ko.


Nag-apply ako as book reviewer sa OnlineBookClub.Org. Ikukuwento ko sa inyo ang mga librong nabasa ko at kung anong natutunan ko sa bawat isa sa kanila.


𝟭. 𝗙𝗲𝗮𝗿 𝗡𝗼𝘁, 𝗗𝗿𝗲𝗮𝗺 𝗕𝗶𝗴, & 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗲 𝗯𝘆 𝗝𝗲𝗳𝗳 𝗠𝗲𝘆𝗲𝗿

First ever book review ko. Unexpected na Christian book pala siya. Kala ko, self-help book lang. The author serves as my mentor. Ang dami niyang tips and techniques na nai-share about knowing kung ano ang God-given dream na para sa akin at strategies to fulfill that dream.


Please click the link if kung gusto nyong mabasa ang book review ko.


𝟮. 𝗞𝗶𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗯𝗲𝗹 𝗯𝘆 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗮𝗲𝗹 𝗧𝗶𝗲𝗺𝗮𝗻

First paid review at first bible fiction na nabasa ko. Napakalalim at complicated ng book na ito. Hindi ako maka-relate kahit very familiar sakin ang story ng book na ito. Ito ay tungkol sa pagpatay ni Cain sa kapatid niyang si Abel (fratricide). Sa bible, simple narrative lang. Sa book na ito, dinescribe ni Tieman ang thinking at emotions ng mga character. May prayer sa dulo ng book na nagsi-seek ng approval ni God at humihingi ng tawad if na-offend Sya (si Lord) sa book.


𝟯. 𝗗𝗮𝘃𝗶𝗱'𝘀 𝗦𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗯𝘆 𝗔𝗻𝗱𝗿𝗲𝘄 𝗖𝗲𝗿𝗼𝗻𝗶

Pinakamaangas na book na nabasa ko so far. Ang author lang naman ay retired special agent. Para akong nanonood ng action movie habang nagbabasa nito. Tingin ko, may medical knowledge si Andrew kasi nade-describe nya kung saang body parts pumasok ang bullet at kung saang iba’t-ibang internal organs ito lulusot at lalabas. Abangan ang kakaibang paranormal twist nito.


𝟰. 𝗠𝗮𝗻 𝗠𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗯𝘆 𝗘𝘆𝘁𝗮𝗻 𝗨𝗹𝗶𝗲𝗹

Ang book na ito ay tungkol sa brotherhood ng apat na magkakaklase. May annual trip sila na sinimulan since late twenties nila upang maggalugad ng exotic destinations at mag-try ng pinakatigasin na activity doon. Umikot ang book sa university life ng magkukumpare hanggang sa mid-forties nila. It’s about travel, growing old and life in general. May unexpected twist at depth na hindi ko mababasa ko sa isang travel book.


Napakapalad ko dahil sa perfect will ni Lord sa akin ay ang mga bagay na I’m passionate about. Akalain mo yun! Yung profession at passion ko pinag-iisa ng Panginoon. Ang plano niya ay magkaroon ako ng passionate career! Matatanggihan ko ba yun? God’s plan is always the best!


Last Sunday, inopen ko through testimony sa aming church anniversary na hindi ko na ipu-pursue ang maging CPA (certified public accountant). Pangangatawanan ko na ang pagiging artist. Nag-offer ako sa Lord ng kantang nilapatan ng tono ng aming Pastor Joe na hango sa Mga Awit 119:33-35. I let go all of my negative emotions as I offer all of it to God. After kong i-offer ang kanta, nawala ang kabigatan sa puso ko. Nawala ang struggle ko sa career ko. Naging solid sa heart ko na ang tawag ko sa career ay maging alagad ng sining. I am beginning to enjoy the process. Dati napre-pressure at natatakot ako. Ngayon, I am proud of it! I completely let go of all of my control and let God takeover. Tingin ko, may naipasa akong test at ready na ako sa next level ng training Niya! To God the creator, be all the glory!


Love,

𝙁𝙧𝙪𝙞𝙩𝙤𝙛𝙅𝙤𝙮🍒


To read more of my blogs, please visit my website: https://lovelifeeverything.wixsite.com/website

📸 Tyrone Valdez

Comments


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page