WRONG QUESTIONS LEAD TO WRONG CONCLUSIONS
- Fruit of Joy
- Jun 23, 2021
- 2 min read
Minsan kapag gabi na at nag-iisa ako, kung anu anong questions ang rumaragasa sa utak ko.
1. “Bakit nag-eexcel siya/sila? Ako hindi?
2. “Pangit ba ako? Bakit wala parin akong boyfriend?
3. “Bakit hindi parin ako successful unlike ng mga peers ko?”
Wait lang. Parang nakaka-down na yung thoughts na ganun. Parang mali na? Mali talaga! Kasi kapag mali ang tanong mo, may effect yan.
1. SELF PITY.
Pinakamasakit na gagawin mo sa sarili mo aside sa comparing yourself with other people. Sabi nga sa nabasa ko na hindi ko mahanap kung sino ang nagsabi: “A minute feeling sorry for myself is a minute totally wasted.”
2. DISCONTENTMENT at BITTERNESS
Ito na yung tumitingin ka na sa iba kasi ayaw mo ng situation mo. Iniisip mo na sana meron ka ng mga bagay na meron sila. Hindi mo na makita kung anong meron ka na wala sila. Hanggang sa iisipin mo na “Deserved ba nila yun? Parang hindi naman!”
Beware of those thoughts! Instead na maging masaya ka para sa kanila, naiinggit ka na! Bitter ka na!
3. LACK OF MOTIVATION
So dahil nga bitter ka tinatamad ka na. Ayaw mo nang mag-aral kasi hindi ka naman nag-eexcel. Pinipilit mo na lang pumasok sa work kasi iba naman ang na-promote sa halip na ikaw. Ayaw mo nang mag-ayos kasi hindi ka naman pinapansin ng crush mo. Ayaw mong i-pursue ang passion mo kasi tingin mo baka mag-fail ka lang.
Wait lang, sino ba kasi ang nagsabi sakin na puro negative ang isipin ko. Talagang malulungkot ako. Well what if ganito ang isipin ko…
Instead of asking “Bakit nag-eexcel siya/sila? Ako hindi?”
Ask yourself, “What can I do to improve myself?” Saan ba ko magaling?
Instead of asking “Pangit ba ko? Bakit wala parin akong boyfriend?”
Ask God "Anong dapat kong matutunan in this season of waiting?”
Instead of “Bakit hindi parin ako successful unlike ng mga peers ko”?
Ask "Am I working hard enough to achieve my dreams? Baka naman kasi kulang pa efforts mo or nasa wrong direction ka? Or hindi mo naman pinu-pursue yung passion mo talaga?
Na kapag pinursue mo yun, that’s the key for you to be successful!
Tandaan, sabi ni Brian Adams, “You get what you think, not what you deserve.”

Comments