𝐆𝐎𝐃’𝐒 𝐃𝐈𝐑𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 & 𝐏𝐄𝐑𝐅𝐄𝐂𝐓 𝐖𝐈𝐋𝐋
- Fruit of Joy

- Nov 20
- 4 min read
Hello lovelies! How are you doing? This blog is about my experience when I’m asking for God’s will if magre-resign na ba ako bilang ministry head. Three years na kasi ako sa ministry na iyon at may opportunity na mag-abroad for six months. I want to grab the opportunity kasi short time lang naman ang stay ko abroad. Ayoko talagang magpa-counsel sa pastor namin kasi may trauma ako. Last time kasi I heard God’s voice through spiritual gift of tongues & interpretation of tongues. May ganoong gift kasi yung pastor namin. It’s God’s way of communicating to me eversince. Natatakot ako sa maaaring sabihin sa akin ni Lord. Baka pagalitan niya ako or give me warning sa mga bagay-bagay. Nangyari na kasi iyon before. Pero kahit ayoko at natatakot ako, I need someone to help me seek God’s will. Magiging witness din kasi sya sa journey ko at magiging part ng testimony ko as a Christian.
To make the long story short, after ng gawain namin ng Friday (July 11), nag-one on one counselling kami ni Pastor. Nagsalita nga si God at binigyan ako ng three assignments which are una, huwag tumigil hanapin si Lord. Ito ay sa pamamagitan I think, ng devotion time or anything na maglalaan ako ng eksklusibong oras para kay Lord. Pangalawa, ay awitan si Lord palagi hanggang sa lumikha na ako ng sarili kong kanta para kay Lord na maaaring tonohan ko or palagyan ko ng tono sa iba. Pangatlo naman ay huwag tumigil sa pag-aayuno. Samantalahing pumunta sa church at doon mag-ayuno. Mag-ayuno hanggang sa makuha ang mga sagot sa mga tanong. Hindi man tuwirang sagutin ni Lord ang tanong pero gusto niyang i-exercise ang aking puso at faith na siyang maglalapit sa akin sa mga sagot na hinahanap ko.
Gabi ng July 11 nang ako’y managinip. May church event ang mga kabataan at na-late ako ng dating. Ako yung nainis at parang ayoko na. Nagalit ang isang youth leader at sinabi niyang “premature resignation” daw. Nagising na ako. Pagdating ng Linggo, counselling ulit kami ni Pastor. Doon na-confirm ang sagot sa tanong ko. Premature resignation if mag-reresign na ako at iba na ang head next year. In short, magpatuloy maging ministry head. Walang malinaw kung hanggang kailan ako magiging head. Ayoko na ring maglagay ng time limit kasi God willing dapat. Perfect will nya ang dapat masunod. Kahit hindi ko feel yung sagot ay sumunod ako at unti-unti nakikita ko kung bakit.
𝟭. 𝗠𝗔𝗬𝗥𝗢𝗢𝗡 𝗦𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗪 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗖𝗖𝗘𝗦𝗦𝗢𝗥 𝗞𝗢
I’m so burn out & discouraged dahil feeling ko walang sasalo sa akin in case of emergency. Tila lahat ng kasama ko ay nakadepende sa akin. Sukatan ko kasi sa leadership ko ay yung may successor ako at maiiwanan ko ang core group in case of emergency at kaya nilang mag-act independently of me.
Discouraging sya sa point na what if nagkasakit ako or kinuha na ako ni Lord, paano na sila? Ang akala ko na wala ay mayroon palang na-stir up na heart si Lord na willing pumalit sa akin. Kaya siya ay ginawa ko ng vice president ko. Pero God willing parin if sya ang papalit sa’kin.
𝟮. 𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞𝗧𝗛𝗥𝗢𝗨𝗚𝗛 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗥𝗘 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣 𝗔𝗧 𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥𝗦
Breakthrough sa core kasi nag-commit parin sila sa ministry for the next year. Hinayaan ko na sila ang mamili ng gusto nilang i-commit.
Siguro kaya ayaw pa ni Lord na mag-resign ako ay para subukin ko pang i-disciple yung ministry members namin through careflock sessions. Sa akin kasi ang single ladies & men samantalang sa vice president namin ang young married couples. Hindi madaling i-gather ang mga singles dahil lagi silang busy at gusto na lang magpahinga ng Sunday. Naiintindihan ko sila kaya may time na hinayaan ko na lang umuwi na sila after ng worship service namin. Pero I want to build relationship with them. Feeling ko kasi aloof ako sa kanila since di ko naman sila laging nakakasama at nakakausap. Feeling ko rin na baka hindi nila ako gusting leader. Ang consistent na careflock session ay mabisa para makilala ko sila at ma-establish yung discipler- disciple relationship o kaya yung pinakagusto ko, which is friendship. Praise God kasi nakatatlong careflock session na kami at yung last session namin ay ang dami naming umattend. History breaking na nagsimula lang kami sa anim na naging fifteen na kami. Buti nagkasya kami sa fellowship sala ng church. Sobrang nakaka-blessed din yung mga input nila sa mga sharing namin. Yung aakalain mo na close talaga kami kahit ngayon lang talaga namin nakikilala ang isa’t-isa.
𝟯. 𝗚𝗢𝗗 𝗚𝗜𝗩𝗘𝗦 𝗠𝗘 𝗪𝗜𝗦𝗗𝗢𝗠 & 𝗖𝗥𝗘𝗔𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬
I won’t forget yung Sabado na nakapag-isip ako ng unang theme namin for the careflock session. Hango iyon sa laro na sinuggest lang sa akin ni meta al. Nakapag-isip ako ng icebreaker at ng bible verse for devotion. Doon nagsimula ang lahat hanggang sa lagi na kaming may theme. Pinaka-successful na session namin ay nung nag-samgyupsal kami with street foods sa kubo ng aming church. The event serves as a testimony of God’s generosity and provision. Generosity sa presence ng mga kasama, financial contribution, gift of participation, at cooking skills, na nauwi lahat sa serving others. Praise God sa creativity sa mga naiisip na mga ice breaker, devotion at application.
𝟰. 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗥𝗘𝗩𝗜𝗩𝗔𝗟 & 𝗥𝗘𝗙𝗥𝗘𝗦𝗛𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗦𝗢𝗨𝗟
I came from burnout dahil sa sarili ko at sa mga tao. Pero nare-revive ako spiritually dahil sa mga nawi-witness ko sa mga kasama ko. They are helpful, listening, giving, & sharing their blessings. Mali pala ako sa mga assumption ko na baka ayaw nila. They need lang ng avenue to express what they feel & ways to contribute generously.
It’s so reviving na i-lead sila sa mga sessions namin. It refreshes my soul na ang dating imposible ay posible pala. Akala ko hindi magwo-work pero ang kailangan lang pala ay gawin at magpatuloy. It also strengthens my faith & trust in God. God is moving in our midst. Every effort will never go in vain and will bring to fruition by God’s grace!
Naalala ko yung Romans 8:28, “Everything works together for good of those who love God and are called according to His purpose”
I also love the verse Isaiah 60:22 “When the time is right, I, the Lord, who will make it happen.”
Kaya huwag kang sumuko. Gawin mo na iyong pinagagawa sa iyo ni God. Kahit may pagsubok or discouragement, magpatuloy lang and you will witness a miracle. To God be the glory!
Praying with you,
𝙁𝙧𝙪𝙞𝙩 𝙤𝙛 𝙅𝙤𝙮

.png)




Comments