WRITER’S MIND
- Fruit of Joy
- Aug 26, 2021
- 2 min read
Kapag writer ka, lahat ng makikita mong bagay, nakikita mo in a different perspective. Like kapag may nakita kang naglalakad, iisipin mo kung saan sya galing? Saan kaya siya pupunta? Ano kaya yung iniisip nya or nararamdaman? Kapag may nakikilala kang bagong kaibigan, mag-iisip ka kung bakit sya ganun kumilos o bakit nya sinasabi yung mga sinasabi niya? Magiging introspective ka. Lalagyan mo ng kwento lahat ng nakikita mo. Minsan may mga gabi na hindi ka makatulog kasi yung utak mo maraming pinaglalaban. Laman nang isip mo ang mga bagay na hindi mo nasabi sa kausap mo kanina. O mga what if kung iba ang sitwasyon kahapon? Ang daming gustong sabihin ng isip mo kaya dapat isulat mo kasi sayang yung ideas. Baka magamit mo someday. Minsan para kang baliw kasi kaya mong kausapin ang sarili mo.
Yung napapanood mong movie or video clip na nagustuhan mo, dinudugtungan ng isip mo ng sequel o kaya prequel o kaya perspective ng isang character sa story na yun. Nakikita mo pa nga ang sarili mo na ikaw yung bida eh.
Kapag nagbabasa ka ng libro, nai-imagine mo lahat ng nangyayari sa story. Yung emotions nila at delivery ng lines. Parang sinehan yung utak mo.
Kaya mong biglang mawala sa gitna ng maingay na paligid. Kaya mong pumasok sa ibang dimension na ikaw ang may gawa at totoo ang lahat ng naiisip mo.
Relate ka ba? Well, writing is a gift. Alam mo akala ko, nakalimutan ko na ang pagsusulat kasi ang layo ng course ko noong college. Kala ko magiging CPA ako pero babalik din pala ako sa first love ko.
Bata palang ako, mahilig na din akong magbasa. Sabi nila twins daw ang writing at reading. Imbes na laruan ang pasalubong sakin ni Papa pagdating nya galing work, dyaryo ang dala niya. Mahilig ako magbasa ng comics at nagsasagot ng crosswords. Kapag Sunday naman, yung panorama tsaka entertainment section ng broadsheet ang binabasa ko. Dun na-develop sa pagbabasa ko ang kagustuhan kong magsulat. Hanggang ngayon hindi parin ako author na pinapangarap ko pero hindi parin ako susuko kasi dadating din ang panahon ko.

Comentários