top of page

KAPAG WALA KANG WORK, WALA KANG WORTH?

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Aug 11, 2021
  • 2 min read

Updated: Apr 30, 2022

1. KASI SA FAMILY ANG WORTH AY DEPENDE SA PERA

Okay, I want to make things clear, I’m talking about role sa decision making. Kasi sa mga young adult at adults na tulad ko, may say ka sa family kapag may contribution ka sa kaban ng yaman. Like sa family namin, very patriarchal. Lahat ng decision making, kay papa galing. Of course, sya ang breadwinner diba? Kaya nga ang ama ang haligi ng tahanan kasi provider siya. So kapag walang pera, guguho ang pundasyon ng family life.


2. KASI SA PEERS, ANG WORTH AY DEPENDE SA CAREER AT ROMANTIC LIFE

Try mong umattend ng reunion o kaya kahit small get together lang with old classmates. Anong topic nyo? Diba ang unang tanong ay “Anong work mo?” Tapos mababalitaan mo na lang na kinasal na pala si ganito kay ganyan. May anak na pala si ganito kay ganyan. Yung mga single, kahit papaano, nag-i-strive parin sila kahit wala pang romantic life. Busy naman kasi sa career. Yung iba once na nag-settle down, hindi na nagwo-work kasi busy na sa pag-aalaga at pagpapalaki sa mga anak. So, kapag wala kang work at hindi ka pa nag-aasawa, anong silbi mo?

3. KASI SA SARILI MO, ANG WORTH AY DEPENDE SA NATUPAD NA PANGARAP.

Sino dito ang nangarap noong bata, siya ay maging tambay? Sa tingin ko naman, wala. Kapag tinatanong ang mga bata, pabonggahan yan ng mga sinasabi. May iba gusto maging astronaut. Yung iba, doctor, lawyer, at iba pang high paying jobs. Kaya kapag college na, kahit hindi magaling sa math, pipiliting engineering ang course. Tsaka na lang magsisisi sa huli. Sabihin nating naka-graduate ka, ang tanong, yung tinapos mo ba, yun ang profession mo ngayon? Bakit ang daming nurse na naging call center agent? Due to practical reasons diba?


Okay, sino ba kasing nagsabi na ang worth mo as a person ay depende sa career, romantic life, pera at fulfilled dreams? Well, KASALANAN YAN NG MALING DEFINITION NG SUCCESS. Kasi ganito daw ang mga successful na tao. Naging topic ko na ang life purpose sa nakaraang blog diba? (Kung nabasa nyo na). Pero hindi ko ito na-emphasized. Kaya magtanong ka kay Lord kasi ang definition ng success ayon kay Lord ay kapag natupad mo ang purpose ng pagkakalikha Niya sa’yo. He supposed to know who you are meant to be and what you are meant to do in life. Baka naman kasi sandok ka pala na panluto pero ginagamit ka na kutsarang pantanim?


Iba-iba tayo. Iba-iba ng background, iba-iba lahat! So, when it comes to success, hindi siya ONE SIZE FITS ALL!


Sa totoo lang, kung ganyan ang definition ng success, isa ako sa worthless na tao sa mundo. Dalawa ang degree ko pero wala akong full time work. Two times akong bumagsak sa CPA Licensure Exam. Single ako. Tapos, nag-iba ang ng career path which some people might think is impractical. Pero sabi ni Lord. Ang dami kong gustong ihirit pero God knows kung anong ginagawa Niya. Tsaka, look, hindi ako nagsusulat ngayon kung may work ako. Wala akong blog ngayon. Bata palang ako, pangarap ko nang magsulat, hindi naman talaga maging CPA. God knows my heart kaya He leads me sa path na ito. Masasabi ko din later on, “It’s worth it. I made the right decision.”

Sana ikaw din. God bless!


댓글


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page