top of page

WORST ADVICE SA MGA SINGLE AT BROKENHEARTED

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Jun 18, 2021
  • 2 min read

Updated: Apr 30, 2022



"Darating din ang taong nakalaan para sa'yo. Yung para talaga sa'yo. Maghintay ka lang."


During counselling namin ni Pastor, ito talaga yung sinabi nyang tumatak sa isip ko. Bakit hindi mo ito dapat sinasabi sa kapamilya mo o kaibigan mo na may pinagdadaanan sa romantic life?


THE ONE FOR EACH OF US?

Sure ka ba na meron talagang THE ONE as in merong taong nakalaan sa bawat isa sa atin? May 7.7 billion na tao sa mundo as of this year 2020 ayon sa World Population Prospects (2019 Revision).

Sa bawat 105 na lalaking pinapanganak ay may katumbas na 100 na babae ayon sa World Health Organization.

Hindi din pantay ang distribution ng population sa bawat bansa.


Considering na may pandemic ngayon, 12.7 million na ang namamatay worldwide sa covid-19 as of this date.


At ito pa, may nagpapakasal pero nabibiyuda or nakikipaghiwalay. So nag-aasawa yung iba ulit. So ibig sabihin ba nun, dalawa yung "the one" nung byudo or byuda?


Ayon sa resulta ng isang pag-aaral na na-publish sa Daily Mail (website), ang chance na ma-meet si the one sa anumang araw ay 1 in 562 kapag umasa ka lang sa tadhana. In short, 0.18% chance kapag naghintay ka lang at di nag-effort.


At well, considering LGBTQ+, na same sex relationships, lumiit lalo ang chance for heterosexual romantic relationship.


Naintindihan ko na gusto mong pagaanin ang loob ng kaibigan mo. Pero huwag naman sanang umabot sa point na bibigyan mo siya ng false hope. It can do more damage. At isa pa, sure ka ba na may nakalaan din para sayo? Gaano ka kasiguradong ikakasal ka? O yun kasi yung gusto mo kaya ka umaasa? Tanungin mo si Lord kung anong will niya para sayo kung single ka pa. Dahil kung ikaw ay hindi sure sa romantic life mo, paano pa kaya sa ibang tao?


Instead, advice him/her na i-maximize nya ang season na ito ng singleness nya. This is the best time for self improvement and to develop more meaningful relationship with loved ones.

Syempre the most important of all is to help him/her evaluate what went wrong and learn from it para di na mangyari ulit.


Kung wala man tayong "THE ONE" ngayon, or wala talaga, Christ is more than enough for all of us. At kung may hihintayin man tayong dumating at mangyari ay yung perfect will Nya para satin.


Godbless and be safe!

Fruitofjoy

Comments


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page