top of page

WHAT IF SI JESUS CHRIST ANG THE ONE MO? (Seven benefits kapag si Lord ang the one)

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Feb 14, 2022
  • 4 min read

Updated: Apr 30, 2022

Sa mga Christian singles dyan, huwag kang ma-sad this Heart’s Day. Kahit single ka man, ito ang pagkakataon na isipin na si Jesus Christ ang the One for you. Mas mainam yun kesa sa tao kasi…


1. TRINITY

Kapag tao, syempre, sya lang ang mamahalin mo as long as both of you shall live. Matitigil iyon kapag pinagpalit mo sya/ka niya sa iba. Pero kay Jesus, tatlo silang nagmamahal sa’yo. God the Father, God the Son and the Holy Spirit na nasa puso mo na. Triangle na panalo yan.

2. NASA KANYA NA ANG LAHAT

Well kung gusto mo ng mayaman, sino pa ba ang yayaman sa creator ng mundo?


Gusto mo ng good listener? Si Lord nakikinig at sumasagot pa nga sa mga panalangin mo. Gusto mo ng laging available? Si Lord ay omnipresent. Gusto mo ng protector? Si Lord kahit physical or spiritual battle pa yan, keri Niya. Kaya ba yang gawin ng boyfriend mo, ng girlfriend mo? Syempre tao lang yan kaya may limitasyon. Si Lord ay Diyos kaya limitless!

Gusto mo ng mabait at masakripisyo? Si Lord namatay para sa’yo. May mas dakila pa ba sa ganoong pagmamahal?

3. LAHAT NG PANGAKO NATUTUPAD

Sino ba ang nangako pero napako ang mga pangako? Politiko!

Sino ang napako dahil tinupad ang pangako? Si Jesus.

Jeremiah 29:11 diba? Pero syempre, gusto ni Jesus ng partnership with you. Sabay ninyong tutuparin ang mga pangarap Niya para sa iyo. Very fulfilling at meaningful ang ganoong partnership.

4. MAS CLEAR ANG COMMUNICATION

Saan ka ba nakakita ng letter na simula noon hanggang ngayon, relevant pa? Bible lang kasi iyon. Kapag kausap or ka-chat mo yung love mo, minsan yung sayang nararamdaman mo kapag kausap mo sya, ganoon din ang intensity ng gigil kapag may misunderstanding kayo.

Pero si Lord kahit hindi mo pa sinasabi yung feelings mo, alam na Niya! Nababasa na Niya! Naiintindihan Niya. Kaya since alam na Niya, sabihin mo na!

5. HINDI KA IPAGPAPALIT SA IBA (FAITHFUL)

Isa sa katangian ni Lord na hindi Nya pedeng labagin ay ang pagiging faithful Niya. Ang Israel na Kanyang bayan ay ilang beses na Siyang binigo at pinagpalit pa sa ibang diyos. Recorded iyan sa Bible.

Kahit ganoon ang Israel o tayo, hindi Nya parin tayo itatakwil as long as naniniwala tayo at nagsisikap na sumunod sa Kanya sa kabila ng ating kasalanan at kahinaan. Kaya nga ipinadala na ang bugtong na anak na si Jesus para maayos ang relasyon ng Diyos sa tao.

6. ANG RELASYON MO KAY LORD AY FORESHADOW SA HEAVENLY RELATIONSHIP

Ano ba ang ibig sabihin ng FORESHADOW? Ang lalim kasi. Example, kapag may hindi ka maintindihan na isang bagay, kailangan ipakita sa’yo diba? Kailangang ng sample. Iyon ang foreshadowing. Idine-demo upang luminaw ang isang concept.

May mga saduseo na nagtanong kay Jesus tungkol sa isang babae na nagpakasal sa pitong magkakapatid. Lahat sila ay namatay at walang anak na naiwan sa babae. Sa huli ay namatay ang babae. Sino daw ang asawa niya sa langit since lahat ng magkakapatid ay ikinasal sa kanya. Ito ang sagot ni Jesus sa Matthew 22:30.

For in the resurrection, they neither marry nor are given in marriage, but are like angels in heaven.

Sa pagkakaintindi ko (hindi ako Bible scholar), ang heaven ay wala nang pag-aasawahan na meron dito sa earth. Katulad ng angel, hindi na natin kailangan ng romantic partner. So ang asawa mo dito sa earth ay parang kakilala mo na lang sa heaven.

So, if si Jesus Christ ang the one mo, you get the taste of heaven here on earth. Ipaparanas sa’yo ni Lord ang heavenly relationship. Partnership na walang physical intimacy. Walang sexual relationship. Pero kahit ganoon,very meaningful at life changing.

May mga tao na pinapahaplos sa kanila ng Banal na Espiritu ang mga nabanggit kong benefits. God is offering them to experience these benefits at the fullest. At ang mga taong tumugon sa calling na ito ay tinatawag na single blessed.

Let’s face it. There are two sides of the coin. Dalawa at hindi lang isa ang reality ng romantic life. May tinawag na mag-asawa. May tinawag na hindi. As long as hindi pa malinaw sa’yo ang will ni God sa romantic life mo at single ka pa till now, may possibility na baka tinatawag ka ni Lord sa single life for good. Hindi ko kino-conclude na single blessed ka. Sinasabi ko lang na be open minded. Acknowledge na may ganitong uri ng reality. Mas maganda nang hindi ka umaasa masyado. Kesa naman sa asang-asa at hintay ka ng hintay ng meron but only to find out na wala palang tinadhana para sa’yo si Lord. Mas masakit yun kesa sa nag-expect ka na wala talaga tapos meron palang hinanda para sa’yo si Lord.


I-define lang natin kung ano ang single blessedness.

SINGLE BLESSEDNESS – no romantic partner for life for the sake of Jesus Christ


Diba seven benefits ang sinabi ko kung nasusundan mo itong binabasa mo. Binitin ko ang pang-7 kasi kapag tinawag ni Lord ang isang tao sa single for life,

7. SI JESUS ANG NAG-SET NG EXAMPLE NG SINGLE BLESSEDNESS


Si Lord Jesus ang unang nakakaintindi ng struggles ng mga single kasi single sya nung na-incarnate sya. Hindi sya nagka-gf. Hindi sya nakipag-sex. Hindi sya kinasal at nagka-anak. Sya ang number one sympathizer mo sa iyong single life.


So whatever struggles na kinakaharap mo as single, share mo sa kanya kasi gets Nya.


So ayun lang. God bless! Blessed Heart’s Day. Talk to the One who greatly loves you! Celebrate with your family and friends.


Love, 🍒

Comments


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page