top of page

IF HINDI KA NA VIRGIN, PARA SA’YO ITO!

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Apr 30, 2022
  • 2 min read

Updated: Jul 12, 2022

If been there, done that ka na, never lose hope kasi...


1. PAST IS PAST.

God forgives you if willing kang mag-repent sa premarital sex na yan. So from now on, iwan mo na yan. You have God’s favor parin lalo na if hindi ka nabuntis. God has greater plans for you parin. Bibigyan ka niya ng clean slate para makapagsimulang muli. (John 8:11).


If buntis ka ngayon, please lang WAG NA WAG MONG IPAPA-ABORT YAN! Short term solution lang yan pero LIFETIME SUFFERING ang katumbas. Ang daming negative effects ng abortion. Pedeng mahirapan ka ng magkaanak dahil sa complications nito. Tsaka yung guilt mo will haunt you forever for the rest of your life. Itago mo man ang kasalanan na yan, mare-reveal din yan later on. (Ecc 12:14)


If may anak ka na at wala kang asawa, patuloy mong buhayin yung anak mo. Ask God from strength at maging mature ka sa responsibility. Your family or friends will help you. Don’t hesitate to ask help from them.


If nabuntis ka at dahil dyan magpapakasal kayo, pag-isipan nyong mabuti. Tanungin nyo sarili nyo kung mahal nyo ba talaga ang isa’t isa. Kasi sacred ang marriage eh, union ng totoong nagmamahalan at ready for married life. Hindi nang na-pressure lang kasi nagkaanak agad. Pede namang panagutan parin kahit hindi kayo magpakasal. Kesa naman after ikasal maghiwalay rin dahil hindi naman pala talaga handa. Sakit lang sa ulo dulot niyan.


2. MAY TAONG KAYA KANG TANGGAPIN KAHIT ANONG PAST MO.

Love covers over a multitude of sins. (1 Peter 4:8). Yan ang pinaka-mature na manifestation ng tunay na pagmamahal. At naniniwala ako na may mga tao parin na kayang magmahal ng ganyan. May kilala akong ganyan. Madami pa sila.


3. WAIT ON GOD.

Habang naghihintay, improve yourself. Continue to grow and be the best version of yourself. Develop hobbies na magkakaroon ka ng new skills. Nurture your soul.

Comments


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page