top of page

BAKIT OK LANG MAGING SINGLE FOR LIFE?

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Feb 11, 2022
  • 4 min read

DISCLAIMER: Hindi ako aromantic (lacking romantic desire). Hindi rin ako asexual ((lacking sexual attraction). Hindi ako bitter sa mga in a relationship or married na. Gusto ko lang balansehin kasi ang daming single na feeling miserable dahil wala silang jowa. May advantages din ang pagiging single kahit ayaw mo.


1. WALANG ASSURANCE NA MAY MAKAKASAMA KA PAGTANDA MO.

One thing na problema ko kaya ayaw kong hindi mag-asawa ay magiging alone ako sa pagtanda. Pero ang sagot ni Lord, “Sure ka ba na tatanda ka to the point na you can’t take care of yourself anymore? Ako lang ang nakakaalam!

Tama si Lord. Sino ba ang nakakaalam kung hanggang kailan ka/tayo mabubuhay? At if ever na mag-aasawa ka, may dalawang pedeng mangyari: sumakabilang buhay o sumakabilang bahay. Since no one knows kung kelan ang itatagal ng ating buhay, maaaring may mauna sa iyong dalawa ng partner mo na kunin ni Lord. May nagiging byudo o byuda. Huwag naman sanang mangyari sa’yo pero nangyayari o nangyari iyon sa iba. Yung pangalawa ay next point natin.


2. WALANG FOREVER

Since pasama na ng pasama ang panahon, mas inuuna na ng mga tao ang pansarili nilang kaligayahan kesa gawin ang tama. Ang daling makipaghiwalay boyfriend or girlfriend man kayo o kahit mag-asawa na! Inaatake ni Satanas ang married life ngayon at maraming natutukso na pumatol sa iba kahit tali na. Pababa na ng pababa ang value ng romantic relationship.


3. NAIMPLUWENSIYAHAN KA LANG NG NAPAPANOOD MO.

Aminin mo. Gusto mong magka-jowa kasi ikaw na lang sa office ang wala pa! O kaya ang cute kasi ng bebe moments ng mga kdrama mong pinapanood. Sana all. Sana ikaw rin may ganon. Pero kung wala naman yan, wala namang trigger o pressure na magka-jowa. Kuntento ka naman sa life sana.

Ang problema sa mga napapanood natin sa tv o Netflix ay puro yung emotional aspect lang ng relationship ang ine-emphasize. Hindi yung commitment aspect. Next point natin yan.


4. READY KA BA SA COMMITMENT?

Sa mga hindi pa married, alam nyo ba na iiyak ka ng ilang araw kapag nag-asawa ka at bumukod kayo ng bahay? Kasi mami-miss mo yung magulang mo at mga kapatid mo. Tapos paano kung hindi ka pa marunong magluto? Mapipilitan kang gumawa ng gawaing bahay. Paano kung buhay prinsesa ka sa bahay nung single ka pa dahil workaholic ka. Marunong ka ba mag-manage ng household? Magpalit ng lampin at magpatulog ng baby, naranasan mo na ba? Ako as titang ina, I’ve got a glimpse of it. May work ang ate ko at asawa niya. Kambal ang anak nila. Hindi ako minsan magkandaugaga. Sumasabay magpabuhat silang dalawa. Iisa lang ako. Yung isa clingy, sumasama sakin kahit sa cr. Sa pag-aalaga lang iyon ng bata. Wala pa yung managing the household kasi anjan na si mama. Naiisip ko pa naman, magiging full time mom ako kapag nagkaanak na ako. Hindi madali. Oo makakasanayan mo yan later on pero mahihirapan ka munang mag-adjust. Kaya, be ready.


5. FREEDOM AT ITS FINEST!

Oo, kapag single ka, mag-isa ka lang. Pero dahil mag-isa ka lang, walang pipigil sa’yong gawin ang gusto mo. Hindi tulad ng may commitment na, iisipin mo yung partner mo, kung ok lang ba sa kanya. Since wala kang bibilhan ng lampin at gatas, sa travel mapupunta ang sahod mo. Maganda din naman kung nagbibigay ka sa pamilya mo.

Tsaka kung wala kang sariling pamilya, mas may time ka for personal growth and development at mas may time kang ma-reach ang goals mo sa career.

Tsaka dumadami na ang single ngayon na achieve ng achieve sa life. Hindi na priority ang married life.



6. EMOTIONAL BURDEN

Minsan, yung saya mo kapag nakikipagharutan ka sa partner mo, ganun din ang gigil mo kapag nagkagalit kayo. Tsaka kapag na-inlove ka, parang kang insane na bigay ka lang ng bigay. What if di ka marunong magkontrol na ikaw lang yung nagbibigay? Tapos naubos ka?


Ang love ay illogical. Complicated. Naiinis ako minsan kasi kapag lumalapit yung crush ko sakin, kinakabahan ako. Yung kaba na natawag ka sa recitation. Bakit ganun? Hindi ko naman sya professor pero ganun ang nararamdaman ko. Tsaka lagi ko syang naiisip. Imbes na matutulog na ko, iisipin ko pa sya. Magiging kami ba kapag iniisip ko sya palagi? Hindi naman. Tsaka bakit affected agad ako sa mga ginagawa nya sakin. Bakit nagiging assumera at malisyosa ako. Paano kung friend lang tingin nya sakin? Paano kung ma-fall ako tapos hindi nya ko saluhin. Paano kapag nagka-gf sya ng iba. Paano kung…. Ah basta!!! Ang dami kong naiisip. Hindi naman kami. Tapos ang reason lang sa lahat ng struggle, ay dahil gusto ko sya. Ganun? Kapag wala naman akong nagugustuhan, tahimik ang buhay ko at nagiging productive ako.


7. NO NEED IKASAL PARA MAGKAANAK

Hindi na po required mag-asawa para magkaanak kung ANAK LANG ANG GOAL MO. Hindi ko sinasabi na mag-premarital sex kayo at wag na kayong magpakasal kahit kelan kasi may anak na kayo. Mali naman yun. Risky yun kasi hindi ka sure kung pananagutan ka. Single parent ang uwi mo nyan. If rich ka at afford mo, mag-IVF (in vitro fertilization) ka if gusto mo lang talagang magkaanak. At kung matanda ka na talaga para mabuntis, magpa-surrogate ka kung afford mo rin.


Kahit anong season mo sa life, i-appreciate mo kasi hindi mo na sya mababalikan ulit. Huwag madaliin kung hindi ka pa ready. Mag-focus muna sa self growth and improvement. Madami naman tayong single kaya di ka nag-iisa. God bless!

Comments


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page