WHAT IF IKAW ANG NAPAKO SA KRUS AT HINDI SI JESUS?
- Fruit of Joy
- Apr 30, 2022
- 5 min read
Hello. Last week, may nabasa akong news article tungkol sa isang bishop na sinabi niya “It’s okay not to feel happy in Easter.” Na-trigerred ako sa sinabi niya at nag-reflect ako. Baka kasi ako din, hindi masaya every Resurrection Sunday. Baka masyadong trivial na lang sakin yung Holy Week.
I have a question in mind para maging fresh sa’kin yung sacrifice ni Lord Jesus Christ. Two thousand years ago na yun at baka too familiar na sakin kaya di ko na appreciated. I’m not a Bible scholar, so ayon sa pagkakaintindi ko sa crucifixion of Jesus and with some bible texts to back up kung anong nangyari, let’s explore the question,” What if ako/ikaw ang napako instead of Jesus?
Sa Garden of Gethsemane, habang nananalangin si Jesus, alam Niya ang mga mangyayari sa kanya: from his arrest to his death on the cross. So, ilagay natin ang ating mga sarili as Jesus. Sa sobrang stress ni Jesus, nag-suffer sya ng hematidrosis. Naisulat ito sa Luke 22:44 ni Doctor Luke. Napaka-rare ng condition na ito ayon sa healthline.com. Dahil sa rarity nito, hindi matukoy ang cause nito. But we can infer na ang cause nito kay Jesus ay dahil sa anguish. Bago sya manalangin, sinabi nya kay James, Peter at John sa Mark 14:34,
“And he said to them, “My soul is very sorrowful, even to death. Remain here and watch.”
Ating alalahanin ang mga naranasan ni Jesus at ilagay natin ang ating sarili dito.
1. YOUR DISCIPLE BETRAYED YOU.
Ang nagkanulo kay Jesus ay ang taong nakasama Niya sa loob ng three years na public ministry Niya. Hindi niya kaaway. Hindi niya rival. Isang kakampi na nagpapanggap lang pala. Kahit alam mo (as Jesus) kung sino talaga si Judas Iscariote, hindi ka pa rin safe sa pain na dulot ng betrayal niya.
2. YOUR BEST FRIEND PETER, DENIED YOU.
Tatlo ang dinala ni Jesus sa Gethsemane to intercede with him in prayer: John, James at Peter. Sila ang pinakamamalapit sa kanya. Si Peter ang iyong boyfriend/girlfriend or bestfriend na nangakong hindi ka iiwan. Pero sa pagdating ng pagsubok, iiwan ka. Hindi ka lang iniwan ni Peter, Peter denied that he knew you! Not even once but thrice!
3. ALL YOUR DISCIPLES FLED AND LEFT YOU.
Mark 14:51–52 (ESV)
51 And a young man followed him, with nothing but a linen cloth about his body. And they seized him, 52 but he left the linen cloth and ran away naked
May awkward story sa Mark na may isang naked man na sumunod kay Jesus sa garden. Nung sya ay hinuli, tumakas sya kahit nakahubo na siya. What a desperation to flee!
Sa Gospel of Mark lang ito lumitaw kaya ipinapalagay ng mga bible scholar na si John Mark, ang author ng book of Mark ang lalaking ito. Sinasabi na ang linen cloth na suot nya ay sleeping dress ng mga tao noong panahong iyon.
4. PILATE HAS BEEN GIVEN A CHANCE TO SAVE YOU BUT HE STILL CRUCIFY YOU.
Alam na natin ang kwento ni Pontius Pilate. Siya ang roman governor na pinagdalhan kay Jesus at nagbigay ng order na ipako Siya. Alam niya na naiinggit lang sa’yo ang mga Jewish leader. Pinapili Niya ang mga tao kung sino ang palalayain: Barabbas o ikaw. Well, pinili ng mga tao si Barabbas na palayain at ipako ka. Para mawala ang guilt nya, naghugas kamay siya. Later on, nawala sa kanya ang pagiging governor ng Judea. Ayon kay Eusebius of Caesarea’s Ecclesiastical History, nagpakamatay si Pontius Pilate. Pinagdusahan nya parin ang ginawa niya kahit naghugas kamay siya.
May mga tao na may choice namang gawin ang tama pero mali parin ang ginagawa nila kahit alam nilang masama ito.
5. YOU WERE TREATED LIKE A CRIMINAL.
Imagine, paparusahan ka sa kasalanang hindi mo ginawa tapos ipaparada ka pa papunta sa execution area mo. Public humiliation at its finest. Mamatay kang criminal at ang last memory mo sa mundo ay mockery at insult.
Sa Roman culture, ang crucifixation ay parusa sa most notorious criminals. Kung ikaw si Jesus, nilatigo ka ng 39 times. Tapos ipapabuhat sa’yo ang krus na pagpapakuan sa’yo. Walang kain. Walang inom inom.
Ang mga scientist ay nagtataka kung paanong hindi namatay si Jesus bago sya ipako sa krus. Enough na ang stress na naranasan niya physically, mentally, emotionally at socially para mamatay at hindi na umabot sa crucifixion.
6. GOD THE FATHER ABANDONED YOU (Psalm 22:1; Matthew 27:46)
Ang pang-apat sa last words of Jesus:
“Eloi, Eloi, lama sabachthani?”—“My God, my God, why have you forsaken me?”
Imagine Jesus and God the father na nag-uusap sa Gethsemane. Sabi ni Jesus,
Mark 14:36 (ESV)
“And he said, “Abba, Father, all things are possible for you. Remove this cup from me. Yet not what I will, but what you will.”
Dagdagan ko since nilalagay ko sarili ko sa situation. Ganito ang conversation.
GOD THE FATHER: Kakalimutan kong anak kita. Kunwari hindi kita kaano-ano. Iiwan kita kahit kaya kitang iligtas!
ME: Please, wag ako. Iba na lang. Wala naman akong kasalanan.
Napakasakit na ang sarili mong ama ay iiwan ka sa panahong kailangan mo siya. Alam niya na hindi ka dapat ang magdusa dahil hindi mo kasalanan. He is able to save you. Kaya niyang magpadala ng anghel para iligtas ka. O kaya iba na lang ang ipalit sa situation mo. Iba na lang ang mamatay. Pero hindi. Kahit gusto ni Jesus na sana wag na lang mangyari, sinabi Nya parin, “Yet not what I will, but what you will.”
Kinaya ni Jesus dahil Diyos sya pero may choice Siya na hindi kayanin. Tao din sya habang pinagdadaanan Niya ang lahat ng iyon. Hindi Sya na-spare sa human condition. Pwede namang ibang paraan na lang to save us. Yung heroic sa mata ng tao. Hindi yung parang criminal pero inosente naman talaga. Until now, I don’t know bakit kailangang pagdaanan ni Jesus ang lahat ng iyon. Kaya sya na-incarnate ay para i-fulfill ang mga bagay na iyon. Huwag sana nating kalimutan.
Pwede siyang mag-quit, mag-give up. Marami syang reasons to do so. But for you? He did not give up! I don’t know kung anong tawag pa doon except sa love.
John 15:13
Greater love has no one than this: to lay down one’s life for one’s friends.
Hindi natin iyon hiningi sa kanya. Kusa niyang binigay kasi gusto ka niyang iligtas!
John 10:18
“No one can take my life from me. I sacrifice it voluntarily. For I have the authority to lay it down when I want to and also to take it up again. For this is what my Father has commanded.”
Kasi gusto ka niyang makasama sa paradise.
Luke 23:43
“Truly I tell you, today you will be with me in paradise.”
After reading this, can you please pray to God? A simple pray will do. Just say anything you want to say. Kahit nasaan ka man if you can. God bless!
Comments