SIGNS OF FALLING IN LOVE
- Fruit of Joy
- Aug 16, 2019
- 2 min read
Updated: Apr 30, 2022
Ang dami kong nababasa sa internet about signs when you’re in love. Pero kung tatanungin mo ako, may gusto akong idagdag sa mga sign na yan na napakaimportante. Para sa akin, number one ko ito bago ka tuluyang ma-inlove sa kanya ng todo todo.
IN-LOVE MUNA SYA DAPAT SA IYO…
1. PARA HINDI KA AASA SA PAGMAMAHAL NA HINDI NAMAN KAYANG SUKLIAN Sa totoo lang, nakakapagod din yung MU kayo. MU as in Mag-isang Umiibig ka sa kanya. Tapos kapag nasaktan MU ka din. Mag-isang Umiiyak. Then, mag-isang magmu-moved on. Ang hirap ng sariling sikap na love story. Ikaw nagsimula at ikaw din ang nagtapos. Nairaos mo ng wala siyang kaalam alam. Parang ikaw din lang ang nanakit sa sarili mo. Lalo na if girl ka at di naman ikaw yung tipo na gagawa ng first move, para i-confess ang feelings mo sa guy na love mo.
2. PARA PAG NA-FALL KA, MAY SASALO SAYO TO BREAK YOUR FALL Sabi sakin ng professor ko dati sa review center, “Ang babae kapag hindi ka mahal, pede pang magbago ang isip niyan. Pero kapag ang lalaki, hindi ka mahal, hindi ka talaga mamahalin niyan.” Let’s face this, sa kultura natin na ang lalaki “supposed to be” ang nanliligaw, pede nilang suyuin ang girl na hindi sila initially gusto, hanggang sa makuha nila ang matamis nitong “Oo”. Pero ang mga babae, aasa na lang na sana ligawan sila ng mahal nila. Lahat ng bagay naman kahit pagmamahal natututunan. Siguro kaya di natin magawa sa taong mahal tayo ay dahil sa “joy” na nararamdaman natin sa pagmamahal natin dun sa gusto nating mahalin. Pero diba yung “joy” na yun panandalian lang? Lalo na kapag may iba na siya.
3. DESERVED MO DIN KASING MAHALIN KAHIT SINO KA PA Alam mo ba na kapag pinush mo ang sarili mo sa taong hindi ka mahal, parang sinasabi mo na din sa self mo na mahirap kang mahalin. Bakit? Pangit ka ba? Hindi ka ba kamahal mahal? Hindi yan totoo. May namatay nga para sayo. Si Jesus. Kaya, don’t settle for anything less than what you deserve.

Commenti