top of page

REFLECTIONS ABOUT EXTRAORDINARY YOU

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Jun 23, 2021
  • 2 min read

Well hindi pa tapos ang panonood ko habang sinusulat ko ito. Episode 8 palang ako ng series ng Extraordinary You. And dami ko lang na-realized habang nanonood nito. Ang main plot ng story ay... (KUNG HINDI NYO PA NAPAPANOOD, WAG NYONG BASAHIN ITO, TSAKA MO BASAHIN KAPAG NAPANOOD MO NA PARA MAKA-RELATE KA) si Dan-o na extra lang sa comics ay biglang nagkaroon ng awareness (ego) na nasa comics pala sya. Dictated pala ng writer lahat ng eksena, lines, personality nya. Hindi pala sya totoong tao at hindi sya ang bida.


Naisip ko na i-compare ang plot ng kdrama na ito sa reality at let’s see kung anong matututunan natin mula dito.


1. GOD IS THE BEST STORYTELLER

If God is the writer, hindi siya sadista. Hindi ka nya pagtritripan. He has the best for you, in mind. Yung writer sa comics nila Dan-oh na The Secret, biased sya sa protagonist. Yung kapakanan lang nila ang naiisip nya. Kahit may i-remove syang character or patayin pa nga if makakahadlang ito sa love story ni Juda at Namju (protagonists), gagawin niya. Pero kay Lord lahat tayo bida at bawat isa sa atin may magandang story na will Niya.


2. SHADOW VS. FREE WILL

Unlike the characters sa comics, we have FREE WILL at lahat ng ginagawa mo, accountable ka at may consequence. Sa kdrama na ito, kapag may ginawa ka sa shadow, hindi maaapektuhan ang story at hindi din maaalala ng walang ego. Minsan ang sarap isipin na sana ganun na lang. Siguro baka maging katulad ako ni Dan-oh na magpapakasaya sa shadow since di naman maaalala. Pero kaya hindi ganun sa real life para mag-ingat sa bawat action at wag mag-take advantage.


3. YOU CAN CHANGE YOUR STORY

Like Dan-o, nalaman ko ang isang major twist sa buhay ko. Sya, na extra lang sya at hindi sya protagonist sa comics. Ako, about thing that involves my life in its entirety. Pero kay Lord, hindi yun twist, kalooban na Niya yun sa simula palang.

Unlike Dan-oh, hindi ko kelangan ng knight in shining armor para tulungan akong magbago ang nakatakda kong kapalaran. I can do it on my own.


4. THE BEST PLOT TWIST

Sa kdramang ito, kapag nalaman mo ang twist na creation ka lang, madidismaya ka. Iba ang totoo mong character (like Dan-oh) sa character na binigay sayo ng writer. Si Lord kapag nalaman mo ang totoong plano Niya para sayo, matutuwa ka at beyond expectations ang kaya Niyang gawin para baguhin ka upang maging best version ng self mo. Nasa’yo na lang yun kapag nagtiwala ka sa paraan Niya. Kapag sinunod mo ang sariling mong paraan, malamang pumalpak ka pero kapag paraan Niya ang sinunod mo, masho-shook ka sa magandang result sa long term.


At ang favorite kong part, kapag nakilala mo si God ma-iinspire kang tumulad sa Kanya.

At ang most challenging part na iniwan ng kdrama sa akin ay “Ano ang gagawin mo kapag nalaman mo ang major twist sa buhay mo? Susunod ka ba sa gusto ng writer/creator mo? Or babaguhin mo like Dan-o paying a price?”



 
 
 

Comments


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page