top of page

PAANO BA DALHIN ANG MGA PROBLEMA?

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Aug 11, 2021
  • 2 min read

1. ACCEPTANCE

Nagsisimula ang lahat sa pagtanggap na ang buhay ay puno ng problema. Sabi nga sa isang plan sa Youversion, life is a series of battle and blessings. Dramatic din ang sinabi ni Kapag masaya ka, susunod ay kalungkutan. Kapag malungkot, mapapawi ito ng sayang darating. Ang problema ay parang kamatayan, dumarating sa sinumang tao sa mundo. Iba-iba lang ang problema pero lahat nakakaranas ng problema. Hindi ka exempted.


13 No temptation has overtaken you except what is common to mankind. And God is faithful; he will not let you be tempted beyond what you can bear. But when you are tempted, he will also provide a way out so that you can endure it.

1 Corinthians 10:13


2. CHANGE YOUR MINDSET

Paulit ulit na lang ang ganitong advice diba? Ang hirap gawin diba? Well, I learned it a hard way. Ako ay introvert. Mas lalo pa akong naging introvert dahil sa pandemic. Hindi ako ma-open na tao at nahihirapan akong mag-maintain ng deep meaningful relationships. So dahil hindi ako nag-oopen, sinasarili ko lang lahat ng mga emosyon ko. Para akong time bomb. Dumating ang isang araw, sumabog ako. No one knows anong nangyari. No one understands. Kasi wala namang nakakaalam ng inner struggles ko. Pero may natutunan ako sa nangyari. Every time na may nangyari sayong negative, i-oopen mo sa iba diba? Like if may naka-offend sayo. Gagaan ang pakiramdam mo. Tapos mae-encounter mo ulit yung same offense. Problema mo kung papaano sya iha-handle. You know what? Hanggang hindi mo natututunan ang lesson na gustong ituro sa'yo ng pinoproblema mo, nasa never ending cycle ka. Kahit may pinag-oopenan kang tao, kung hindi ka naman nakikinig sa kanya at hindi mo ina-apply o ginagawa ang dapat mong gawin sa given situation mo, paulit ulit lang. So dahil no choice ako kasi wala akong pinaglalabasan ng nasasaloob ko, naisip ko "Wag na lang kaya ako ma-offend? Wag ko nang pansinin. Wag ko nang damdamin. Toxic lang yan sa puso at isipan."


So unknowingly, nababago na yung mindset ko. Nagpe-pray na akong maging positive ako. Hindi na ako nao-offend (as much as possible). You know nagsimula sa “fake it till you make it”. Naging blessing in disguise na wala akong napagsasabihan.


Pero kapag hindi ko na talaga kaya, sinasabi ko kay Lord o sa pamilya ko.


“Be transformed by the renewing of your mind…”

Romans 12:2


3. SOLUSYONAN ANG PROBLEMA

May mga bagay na hindi natin makokontrol. Unang una dyan ang pag-iisip ng ibang tao. Kaya nga, what others think is none of your business hindi ba? May mga circumstances sa life na nangyayari o hindi maiwasan. So, if ang problema mo ay ganun ang nature, wag ka ng magpaka-stress. Itulog mo yan. Ikain mo yan. Huwag kang mag-overthink. If kayang ma-solve, maglista ng pede mong gawin para maayos ang problema. Humingi ka ng payo sa iba. Kung hindi mo kaya, wag mong solohin, i-share mo sa iba. Kung ayaw mong i-share, baguhin mo attitude mo. Tapos matuto ka at gawin ang dapat mong gawin. Akala mo mahirap. Sa una lang yun.


Lovelots,

Fruit of joy

 
 
 

Comentários


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page