SIGNS NA GUSTO KA DIN NIYA
- Fruit of Joy
- Aug 16, 2019
- 2 min read
Updated: Apr 30, 2022
Ang dami ko na namang nakikita sa internet about signs kung paano mo naman malalaman na crush ka din ng crush mo or kung mayroong nagkakagusto sayo kahit hindi mo crush. Guys, alam mo ito lang masasabi ko dyan. Huwag kang umasa sa mga subtle signs na iyan dahil…
1. AASA KA LANG Guys, iba iba tayo ng personality. So iba iba din ng expression ng interest at love. Kadalasan akala natin, kaya nasasaktan tayo kapag nalaman nating hindi tayo crush ng crush natin ay dahil mahal natin sila. Pero ang totoong dahilan, lalo na kung hindi naman kayo close, ay dahil sa unmet expectations. Nasaktan ka dahil UMASA KA hindi dahil MAHAL MO SIYA.
2. IF GUSTO KA NIYA TALAGA, SASABIHIN NIYA Yung mga subtle signs na iyan ay hindi conclusive na crush ka niya. Huwag mong pahirapan ang sarili mo sa panghuhula. Dahil ang lalaki, kapag mahal ka, hindi ka niya pahihirapan. Tutulungan ka niya. Kung gusto ka niya talaga, you don’t have to read between the lines. Mahal ka niya kapag sinabi niya sayo na “Mahal kita at gusto kitang ligawan.” Yun na yun. Very very simple.
3. GUSTO MO RIN SIYA? Kapag nag-aasume ka na may gusto sayo ang isang tao kahit hindi mo siya gusto, subconsciously, gusto mo siya talaga. So there’s a hope within you na sana magustuhan ka din niya.
Instead, gawin mo…
1. KILALANIN MO SIYANG MABUTI Are you on the same page? Alamin ang kanyang personality, background, passion, goal at syempre core values. Critical ang core values. Dapat parehas kayo if kino-consider mo syang potential partner.
2. TANUNGIN ANG SARILI
May chance ba talagang maging kami? Makakatulong ba ako sa kanya na maging better person? Ganon din ba siya sa akin? Kino-complement ba namin ang ang isa’t-isa? Ang ibig sabihin ay yung strength nya weakness mo, weakness nya, strength mo. Magiging mature ba ako kapag naging kami? Pag naging kami ba magiging blessing ang relationship namin sa ibang tao?
3. ASK GOD
If you are willing, you will know. Ask wisdom from the one who truly knows you. (James 1:5) May plano si Lord para sa romantic life mo. Alam niya kung sino ang para talaga sa’yo. Bakit? Kasi sya ang lumikha sayo. Sya ang lumikha ng puso mo kaya alam niya kung sino ang magpapasaya sa’yo. Tanungin mo Siya if yung gusto mo or yung may gusto sayo ang perfect will Nya para sa’yo.

sna bgyan nyo po ako ng signs kng gsto ako taong gsto ko