WALA KANG WORK, WALA KANG WORTH? (Personal)
- Fruit of Joy
- Jun 15, 2021
- 2 min read
Updated: Apr 30, 2022

Thankful ako dahil at this point, blessed ang family namin financially at materially. hindi ako breadwinner. Hindi ko kailangang mag-work to support them. Pero, yung lahat ng motivations ko kaya nag-aral ako at nagsikap magtapos ng pag-aaral, yung future na I envisioned for myself, yung mga pangarap na binuo ko para sa sarili ko, hindi lahat nangyari. Kaya napapatanong tuloy ako, ano ng role ko sa mundo? Saan na napunta yung pinaghirapan at pinagpaguran ko sa pag-aaral? Parang walang halaga lahat! Kasi hanggang ngayon kahit before pandemic pa, wala akong work. Yung career na pinagplanuhan ko, hindi din pala ako dun mapupunta. Bakit ko pa pinag-aralan? Yung passion ko na hindi ko alam kung kelan ko magiging passion dahil hanggang ngayon hindi naman ako mabigyan ng passion na yan ng stable job. Bakit ngayon ko lang pinursue? Bakit hindi na lang yun ang pinag-aralan ko para sana mas madaling maghanap ng trabaho. Mahirap sumugal kapag hindi ka na bata at kapag sa future mo, wala kang sure na kasama. Ano ng mangyayari sakin for the next five years? Yung convictions ko ba later mapapakain kaya ako? Double degree ako pero nag-aalaga ako ng mga pamangkin ko ngayon.
Pero alam mo, kahit ganito yung nararamdaman ko, kahit ang baba ng tingin ko sa sarili ko dahil hindi natupad ang lahat ng pinangarap ko, kahit baliw mang sabihin, hindi ako nagsisisi na pinili ko yung passion ko kesa sa profession ko. Kasi pinag-pray ko ito. Oo, hindi ito praktikal at parang ewan lang pero itutuloy ko pa ring i-pursue ito. Kasi may hope ako na "All things work together for good" kahit hindi ko yun makita at maintindihan ngayon.
Kahit kainin ko na yung pride ko sa dami ng bagay na na-try ko na para lang sa name of artistic pursuit na ito. Tsaka may part time naman ako ngayon. Oo, hindi yun nakakabuhay ng pamilya pero simula palang yun. Kahit ang daming sinasabi ng logical mind ko sakin na mahirap ang path na pinili ko. Na mas madaling bumalik dun sa kung anong course na tinapos ko. Hindi na ako babalik. Kasi ito ang direksyon sakin ni Lord. Mahirap maintindihan pero everything will make sense din. Sa ngayon kailangan kong i-gather lahat ng strength ko, lahat ng motivations to focus on honing my skills. Marami pa rin akong hindi alam pero malayo na ang narating ko. Someday, it will be all worth it. Magbubunga din lahat ng ginagawa ko ngayon. Masasabi ko din na "I made the right decision."
Comments