KAILANGAN BA TALAGA ANG PRAYER?
- Fruit of Joy
- Jun 15, 2021
- 2 min read

Minsan maiisip mo na kahit hindi ka naman mag-pray, ibe-bless ka parin ni Lord. Kasi yun ang character nya. So bakit ka pa magpe-pray? Kung ibe-blessed ka parin Niya?
1. GOD WILL GIVE YOU REST
Kapag nanalangin ka sa Diyos, nagtitiwala at umaasa ka sa Kanya. Nararamdaman mo na kailangan mo sya. Pumapayapa ka. Sabi sa Isaiah 40:31
but those who hope in the Lord
will renew their strength.
They will soar on wings like eagles;
they will run and not grow weary,
they will walk and not be faint.
Nagkakaroon ka ng kapahingahan mula sa worries of life. Kasi alam mo na may Diyos kang masasandigan at magtatanggol Sa’yo.
Alam nating mapagbigay at mapagmahal ang Diyos. Dahil sa katangian niyang ito, ibibigay Niya ang lahat ng kailangan mo. Pero, kung hindi ka mananalangin ng specific mong kailangan, hindi mo rin matatanggap ang specific na gusto mo. Sabi nga sa Matthew 7:7, “ASK… SEEK….KNOCK…” God knows but ask so that it will be given to you. Ang eksaktong gusto mo. At isa pa, ang sarap ipagpasalamat ng answered prayer.
3. GUSTO NI LORD NG PARTNERSHIP WITH YOU
Si Lord hindi siya bakaw sa kapangyarihan kahit Siya pa ang pinakamakapangyarihan na nilalang, hindi lang sa buong mundo kundi sa buong universe. Mahilig siyang mag-share ng power at habit Niyang gamitin ang mga pangkaraniwang tao na tulad natin para matupad ang kalooban Niya sa mundo. Kapag nananalangin ka, nagre-release sya ng power sa’yo o sa mga bagay na pinapanalangin mo. Ginagamit ka din niya para matupad ang pinagdarasal mo.
4. PARA MALAMAN ANG KALOOBAN NIYA
Ito ang pinakaimportanteng dahilan. Minsan nag-fasting ako para malaman ang kalooban ni Lord. Pero I found out na nagpa-fasting pala ako para sumunod ang Diyos sa kalooban ko. Right from the start, sinabi na ni Lord ang gusto niya. Pero dahil iba ang gusto kong mangyari, nako-confuse ako. Kaya nag-fasting ako. Kapag nananalangin ka, pinapahayag sa’yo ng Diyos ang kagustuhan Niya. Kapag hindi ka nananalangin, hindi mo madi-discern ang kalooban Niya.
5. PARA MAPAPURIHAN ANG DIYOS
Para saan ba ang lahat ng ginagawa natin sa mundong ito? Kung Cristiano ka, “…all things God works for the good of those who love him who have been called according to his purpose. (Romans 8:28). What is that purpose? FOR THE GLORY OF GOD. Our cause is Christ.
Sa madaling salita, HINDI KA KAILANGAN NI LORD PERO KAILANGAN MO SYA KAYA MAG-PRAY KA!
Fruit of JOY
Comments