top of page

WAG MA-INLOVE SA "IN A RELATIONSHIP" NA

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Aug 16, 2019
  • 2 min read

Updated: Apr 30, 2022


1. MAHAL KA OR EGO LANG? May mga lalaki na kapag "feeling" nila may gusto sa kanila ang isang girl, tapos "pede" yung gurl or pasok sa standards nila, feeling "pogi" yan. Isipin mo ba naman may gf na siya tapos may nagkaka-crush pa sa kanya. Naku, nakakadagdag sa ego niya yan. Ingat ingat. Baka kaya ka lang pinapansin eh para maipagyabang nya sa mga katropa niya later on na may naghahabol sa kanya.


2. HINDI SYA FAITHFUL Sabihin nating may gusto sya sayo at na-confirmed mo yun. Gals, isipin mo, may gf sya ngayon tapos nagawa niyang magkagusto pa sayo. Pano kapag naging kayo na? Anong assurance mo na di sya magkakagusto sa iba?


3. HINDI KA NAMAN NYA TALAGA MAHAL Gals, kung mahal ka nya bakit may gf na siya? Ang nagmamahal nakukuntento sa isa lang. Wala kang pakialam kung mahal ka niya or hindi kung hindi ka naman niya kayang ipaglaban!


4. HINDI SYA HUSBAND MATERIAL

Kapag nakita mo na ang "Right One" di ka na titingin sa iba. Oo kasi seryoso ka na sa kanya at committed ka na sa kanya. If tumitingin pa sya sa iba, hindi pa sya ready talaga for commitment at eventually marriage.


5. WAG MAGING DAHILAN PARA MAGKASALA ANG IBA (SIYA) Darating ang para sayo. Maghintay ka lamang. Hindi porket marupok siya, go ka na sa kanya. Lalaki “lang” kasi siya. Kung sya talaga ang para sayo at will ni God, si God na mismo ang gagawa ng way para maging kayo. Self control gals. You deserve someone better and the best that God wants for you.


6. WAG MAGING DAHILAN PARA MAKASAKIT NG IBA (GF NIYA) Gals, babae ka din. Paano kapag ikaw yung nasa kalagayan ni girl? Diba masakit? Kaya wag mo ng ituloy yan. Hindi din yan nakakaganda sayo. Hindi ka din mamamatay kapag hindi kayo nagkatuluyan. Maghanap ka ng iba. Tsaka kaya mo ba yung “scandal” kapag nalaman ni gf na may “affair” kayo? Naku, nakakabawas ng dignidad at nakakadumi ng reputasyon yan. Wag ganon.



DISCLAIMER: Walang kinalaman kay Daniel Padilla ang post na ito. Pero madaming nagkakagusto sa kanya kahit in a relationship na sya.



댓글


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page