HOW TO CONTINUE BEING MOTIVATED AFTER ALMOST QUITTING!!!
- Fruit of Joy
- Jun 15, 2021
- 4 min read

Well, as online learner myself, ang dami kong pinagdaanan sa learning journey ko. Months before the pandemic at lalo na during pandemic, ang dami kong tinangkang pag-aralan na never kong naisip na pag-aaralan ko. Never kong naisip na maggi-gitara ako hanggang sa nakita ko na lang na may hawak na akong gitara since May 2019. Good thing, few years back bumili si Mama at marunong pala siya! So, I started taking down guitar notes since my birthday ng 2019. May nakita akong youtube tutorial na may website. Almost free lahat ng lessons except music theory which okay lang kasi bored ako sa music theory. I know na importante yun kaya nag-start ako nun later until sa lesson na may bayad na. Iniisip ko hobby ko lang itong gitara at since wala naman akong work, i-push ko nang pag-aralan. Kasi dati nung busy ako sa work, lagi kong sinasabi sa sarili ko na kapag wala akong work, mag-aaral ako ng mga bagay na interesting sakin. Nung time na nag-start akong mag-gitara, sira ang keyboard namin. Yun talaga ang gusto kong pag-aralan pero since sira siya, sa gitara ako napunta. Mabilis kong natapos yung beginner’s lesson. Pero I’m stuck after that in terms sa learning kasi sabi ko sa self ko, I need to practice everything that I learn to make sure master ko na siya. I got bored sa practicing lalo na nung feeling ko di nag-iimprove ang barre chords ko. So, to lift myself up, nag-aral ako ng strumming patterns na nakita ko sa Youtube. Strumming patterns ng fave kong mga kanta kasi bored na ako sa “old faithful” strumming patterns. As a beginner, isa o dalawang strumming pattern lang ang nagagawa ko sa lahat ng inaral kong kanta. Nag-aral din ako ng iba pang basic strumming patterns pero dalawa lang talaga ang na-apply ko sa mga natutugtog kong kanta. So ayun practice practice lang… hanggang sa sumuko na ako dahil hindi ko makuha yung complicated strumming pattern na yun. Tapos bumili kami ng bagong keyboard na katulad din nang nauna. Doon na ako nag-focus hanggang sa hindi na talaga ako tumutugtog ng gitara. So I realized kung anong nangyari.
1. THE REASON WHY I PLAY THE GUITAR.
Hindi naman ako singer so kapag may kinakanta akong song na hindi bagay sa boses ko, I feel, playing it will compensate for that. For personal enjoyment at amusement ko ang reason kung bakit ako nag-aral. Second ang self-expression at third, well kasi pag quiet time, I sometimes worship God so for dramatic effect ang pagtugtog kapag kumakanta para kay Lord.
So, if magku-quit ka na sa ginagawa mo, remind yourself kung bakit mo ba yun sinimulan.
2. EXPECTATION VS. REALITY
Gusto ko tumugtog kasi ang sarap sa tenga pakinggan nung mga fave kong kanta. Iniisip ko kung masarap siyang pakinggan, siguro masarap din syang matututunan. Well, expectation vs. reality kasi hindi pala ganun. Akala ko ang music more on arts but actually it is also a science. May mga basic terms na need mong malaman na minsan masakit sa ulo. As a beginner killer yung music theory para sakin kaya ang approach ko, panoorin ko at gayahin yung pinapagawa ng online teacher at saka ko iintindihin yung theory behind it.
So if gusto mo nang mag-quit, ask yourself “Realistic ba expectations ko?” You need to be patient with yourself at hardwork talaga ang kailangan.
3. PASSION IS CONTAGIOUS.
Ang galing ng online teacher ko though hindi nya ako kilala. Pinapanood ko yung online lessons niya sa Youtube at sa website niya. Dati nagpa-practice ako habang sumasabay sa kanya. Nung natutunan ko na, ako na lang mag-isa. Dun ako unti-unting dumalang sa pagpa-practice. Kasi ang laking tulong ng online presence nya. Nung ako na lang , dun ko na-feel na mag-isa lang ako at nahirapan na akong i-motivate sarili ko nung hindi na ako mag-improve sa pina-practice ko. Being with someone kahit online lang is big help kasi feeling mo hindi ka mag-isa at nakakahawa ang passion ng teacher ko.
So, associate yourself with other people na parehas mo ng hobby. Join online groups/communities. Engage yourself in online discussions related sa hobby/skills na inaaral mo. So, you will never feel alone.
4. SET GOALS AND SCHEDULE
Every Monday ang practice ko. Nung na-skip ko yun one time, nagsunod sunod na, na hindi ako nakakapag-practice. Nag-iba ako ng approach, everyday pero at least 30 minutes. It works naman pero sa simula hindi agad tuloy-tuloy pero at least everyday may hawak akong gitara. Practice man o tugtog lang ng kahit ano. Natututunan ko din na have fun sa ginagawa mo. Huwag kang masyadong seryoso na hindi ka na nag-e-enjoy. Set time not only to practice but to play yung gusto mo lang tugtugin. Yung feel good lang na hindi ka napre-pressure tugtugin.
Sa goal naman, sinet ko na aralin ang intermediate lesson nung guitar website na pina-follow ko. Pero bago yun, to motivate myself na at least ma-feel kong nag-improve ako, nag-set ako na at least matuto ng 10 songs muna. What I mean by 10 songs is yung unique strumming pattern ng fave songs ko na makikita ko sa Youtube. Nakaka-tatlo na ako habang sinusulat ko ito. Yung mga chords kasi alam ko na, pero sa strumming ako hirap. Dito ako sa part na ito bumagsak pero ita-try ko ulit.
5. REST BUT DO NOT QUIT & HAVE REWARD SYSTEM.
Minsan, kahit gawin mo itong 1-4, may mga araw na hindi mo sya magagawa. Huwag kang mawalan ng pag-asa kasi nangyayari talaga yan. Ulitin mo lang yung why mo, yung goals mo. O kaya mag-iba ka ng strategy. Pede kang magpahinga from time to time pero huwag kang susuko.
Tsaka develop reward system. I-document mo yung progress mo tapos celebrate little progress you make. Like buy yourself something kapag natutunan mo yung isang kanta. Or nood ka ng Netflix after mong mag-practice. Something like that.
Lahat ng steps na nandito ay applicable sa anumang gusto mong matututunan or i-achieve.
Above all, you need positive and growth mindset to overcome obstacles. Walang imposible kapag gusto mo talaga. Ask wisdom from God ang He will surely gives You skills.
God bless us all!
Comentarios