HAPPY NEW YEAR! HAPPY NEW YOU!
- Fruit of Joy
- Jun 23, 2021
- 3 min read
Well, malapit ng mag isang buwan since the start of new year pero nasimulan mo na bang gawin ang New Year's Resolution mo? Nasa road to version 2.0 ka na ba ng self mo? Kaya kaya natin this year? Well, sad to say, marami sa atin ang sa simula lang magaling pero hindi natatapos ang goal nila.
So pano na? Susuko ka na lang ba? Don't give up dahil sa taong may gusto, marami ang paraan.
1. Humility goes before success
This is quite strange to include humility to reach your goal. Well, ito yung opposite ng Pride goes before fall ng Proverbs 16:18.
Naniniwala ako na self reliance is not enough for you to reach your goals. What if your strength fails you? What if your wisdom fails you? At kapag nangyari yun, you failed!
So, it is better to rely on something or someone that is greater than you.
2. Ask God for help.
You see it coming right? Sino ba ang someone na greater than you at may malasakit din sayo? Eh di si Lord. Kaya after listing down all your goals this year, why not try to pray for it and ask God to help you achieve all of it. (James 1:5, Matt. 7:7)
Admit mo lang na hindi mo kaya mag-isa.
3. One step at a time.
Wala pong instant result overnight. Kung gusto mong pumayat, mag-exercise ka unless mayaman ka para magparetoke. Kung gusto mong maggitara, mag-aral ka muna ng mga chords, tapos rhythm, tapos yung chord ng song na gusto mong tugtugin. Then pagsama samahin mo lahat ng natututunan mo to play your song.
4. Huwag mo kasing biglain. Have fun.
Okay so you have your goals. You have the big picture in mind. So gusto mong matutong maggitara. You practice hard everyday. As in 12 hours per day. Noong una super motivated ka. Then, habang lumilipas ang araw, napapagod ka na. Sobrang sakit na ng kamay mo kasi first day palang inaral mo na agad yung F at B minor imbes na D, A at G muna.
Then dahil nag-advanced ka na ng lesson, your playing does not match what you know (theoretical knowledge). Unti unti ka ng tinatamad hanggang sa huminto ka na. At nasabi mo na hindi para sa'yo ang guitar playing. So the end of the story.
Sino ba kasi nagsabi sayo na pabilisan ito? Na day 1 palang pagurin mo na sarili mo? Ayon sa kilala kong guitar teacher na si Justin, one hour a day sapat na for you to practice. 50% serious part at 50% fun. You should have fun while doing things that you want to do. Kasi dun ka mamo-motivate lalo. So be realistic in setting your goal. Be serious while having fun. And take a rest kapag napagod ka.
5. The process is character building.
Well do you know that setting goals and achieving it have lasting result? Natututo ka ng self discipline. Nagma-mature ka kasi hindi ka nagmamadali. May direction ka. Alam mo yung dapat mong gawin at hindi mo dapat gawin. Self discipline is a great advantage in this world full of "Gagawin ko kung ano ang magpapasaya sakin kahit makasakit ako ng iba." Ikaw yung magsasabi na "I want to improve myself" in this world full of "Accept me for who I am".
Malaking excuse ang "Tanggapin nyo ako kung sino ako" para magbago ka for the better. Walang perfect na tao. Practice does not make perfect people but it can make permanent change in your life. So practice to achieve your goal to change your life.
Salamat sa pagbabasa. God bless lovelifes!

Comentarios