top of page

𝗚𝗢𝗗’𝗦 𝗔𝗕𝗨𝗡𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗜𝗡 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗘𝗧𝗦𝗛𝗔𝗞𝗘𝗥’𝗦 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗘𝗥𝗧 𝗘𝗫𝗣𝗘𝗥𝗜𝗘𝗡𝗖𝗘!

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Jul 26
  • 3 min read

Isa sa nasa bucketlist ko ang makapunta sa concert ng mga worship band like Hillsong, Elevation, Victory, or Planetshakers. Wala akong pakialam if sino sa kanila basta go lang! Pero madaming nangyari sa akin noong June kaya hindi ko na siya pinush noong magpunta ako ng biglaan sa La Union. I thought that was the end of it since wala na akong pera. Pero one week before the event, biglang voila! May nabiling tickets ang mga churchmate ko at sinasama ako. It felt surreal. Ang saya pala kapag wala kang expectation tapos biglang natuloy! Amazing talaga! Grabe talaga kapag si Lord ang nag-treat sa’yo. Iyong more than what you expect and hope for. Kumbaga sa rating, 5 ang ineexpect kong experience pero 9 yung binigay nya. Hindi 10 kasi baka may mas bongga pa sa future. Lahat ng worries ko, tinugunan Niya! Kaya naman, ikukwento ko yung abundant blessings ni Lord sa first ever worship concert experience ko!


𝟭. 𝗔𝗕𝗨𝗡𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔

Ayaw kong pumunta since alone ako. Hindi ko din kabisado ang MOA Arena. Nag-provide “lang naman” si Lord ng pitong kasama. Walo kaming lahat kasama ako na nag-concert. Fave number ko ang seven at eight.


𝟮. 𝗔𝗕𝗨𝗡𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗡𝗩𝗘𝗡𝗜𝗘𝗡𝗖𝗘

Ang hassle mag-byahe diba? Tapos may bagyo pa at baha! Gumamit kami ng inDdrive app papunta at pauwi. Mas mura sya sa grab kasi bago palang. Halos kalahati ng presyo ng grab. Sa mall ang meeting place namin papunta sa hotel. Mula sa hotel na tinuluyan namin kami sumakay pauwi. Mabait ang mga naging driver namin, walang issues, safe at sound kaming nakabiyahe sa gitna ng bagyo. Praise God talaga!


𝟯. 𝗔𝗕𝗨𝗡𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗙𝗢𝗢𝗗𝗦

May mga kasama akong marunong magluto. Kumain kami ng pancit canton as snack. Tapos kumain kami sa fast food ng dinner. Tapos after ng concert, umorder kami ulit sa fast food ng rice meal. Nakakagutom palang mag-concert. Sulit naman ang pagkain. Nagluto ang mga kasama ko ng breakfast namin bago umuwi. Praise God, hindi kami nagutom.


𝟰. 𝗔𝗕𝗨𝗡𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗧 & 𝗥𝗘𝗟𝗔𝗫𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

“Parang” five star ang hotel namin. Walking distance lang sya sa MOA Arena. I’ve been once sa five star hotel sa Boracay. Pero three star hotel lang talaga ang tinuluyan namin sa concert na ito. Ang aesthetic kasi ng lobby at condo type yung mga unit. May aircon kami, may Netflix though projector lang sya at hindi tv. May kusina, kitchen utensils at appliances. May closet. Sapat naman ang beds for us. May bote ng shampoo at may keratin pa. May bote ng body wash. May towels for us. Pero bawal iuwi ang mga nabanggit. May washing machine pa at blower sa restroom.

Hindi ako nag-office work during our stay. Kinarir ko ang rest at relaxation. Namasyal muna kami sa mall bago pumunta sa arena. Madaling araw na kami nakatulog after ng midnight snack na kanin. Wala kaming wake up time na pinagkasunduan kaya pakiramdaman na lang if gigising na ba or matutulog pa. Nakapag-rest din kami spiritually kasi may group huddle with devotion kami after check-in at before check-out ng hotel. Praise God kasi sponsored iyong accomodation namin. Super pagpapala talaga!


𝟱. 𝗔𝗕𝗨𝗡𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗘𝗫𝗣𝗘𝗥𝗜𝗘𝗡𝗖𝗘

Hindi ko kilala ang bawat member ng Planetshakers. Hindi ko alam karamihan ng mga kanta nila. Wala akong expectation sa concert nila. Nagkahiwalay ang grupo namin ng seats. Mapalad kami na sa pinakagitna kami ng kasama ko napunta. Nakaharap kami sa stage. Ang ganda ng lighting, sounds, at may pausok at confettis pa. 8:05 pm ng mamatay ang lahat ng ilaw bilang hudyat ng pag-uumpisa. 10:21 pm naman siya natapos. Nakaka-excite pala siya kapag hindi mo alam yung line-up ng kanta since hindi mo alam yung next song. Ang ganda ng presentation ng mga lyrics ng kanta. Ang sigla ng mga tao. Sumasabay sila sa mga kanta. Ang galing kahit sa live ng singers at band. Grabe! Nag-enjoy ako lalo na kapag alam ko yung kinakanta. Salamat kay Lord kasi hindi palasigaw yung mga katabi ko. Casual listening lang sila.

Worried ako na baka hindi siya maging worship pero I felt the presence of God.


Nagpapasalamat ako kay Lord kasi napakapalad kong maranasan ito ng hindi ko hinihingi sa Kanya. Hindi ko ito deserve kaya nagpapasalamat ako sa Kanya. Naalala ko yung John 10:10b: Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.


Naramdaman ko ang kasaganahan sa lahat ng mga bagay na kailangan ko. Hindi lang sa concert na ito kundi sa personal kong buhay. Salamat kay Lord kasi great provider Siya. Hindi lang Siya provider ng mga bagay na kailangan ko para mabuhay. Binibigay din Niya yung mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Hindi ko ito malilimutan at worth it talagang maglingkod sa Diyos na masaganang magbigay. To God be the glory!


Fruit of Joy

 
 
 

Comments


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page