DOES THE WAY YOU DRESS MATTER?
- Fruit of Joy
- Jun 15, 2021
- 3 min read
Updated: Oct 10, 2021

Madalas kong marinig sa mga girls na hindi daw basehan ang suot mo kung mababastos ka o hindi. Pero wait, paano yun nalaman ng mga girls na yun? Alam ba nila kung paano mag-isip ang mga lalaki? Kaya to balance things out, nag-interview ako ng mga kilala kong lalaki regarding this issue at iyun ang ishe-share ko sa inyo for this blog. May respondent ako na kabataan, (late teens to mid-twenties), adult (thirties) at may nasa golden age na. So sasagutin natin ang tanong na “Does the way you dress matter?” base sa notable opinions nila.
1. NATURE OF MAN
Okay, so aminado naman silang mga anak ni Adan na they are sexually oriented. Natural sa lalaki ang magka-interes at humanga sa katawan ng mga babae. Nadadala sila sa nakikita ng mga mata nila.
Ayon sa respondent ko, nagpi-fiesta ang mga mata nila sa katawan ng babae na revealing ang damit. Idagdag ko na hindi na nila need na mag-imagine since nakahain na at nakikita nila yung cleavage, or butt or anumang ine-exposed na body part ng revealing na damit.
May nagsabi din sakin na kahit anong tino ng lalaki, mapapatingin sya “doon”. Ang pinagkaiba ng matino sa hindi ay kung i-ignore nya yun or magdwe-dwell sya hanggang sa he takes action sa nakita nya.
Common ang advice na to wear sexy to catch man’s attention. But the thing is, ayon sa exact words ng respondent “BUMIBIGAT NAMAN ANG DALANG KAWALAN NG RESPECT SA BABAE NA YUN”
Oo pag-uusapan ka nila. Pagpapantasyahan pa nga sa plunging neckline mo pero NIRESPETO KA BA?
2. CHARACTER
Hindi excuse sa mga lalaki na ganun sila ginawa kaya aakto na sila ayon sa nakita at naramdaman nila sexually. Mapalad tayo dahil binigyan tayo ni Lord ng self control at awareness sa mabuti at masama. Hindi tayo katulad ng mga hayop na kumikilos lang ayon sa instinct na mabuhay.
May respondent na nagsabi na iiwas na lang siya (sa ganoong situation) kasi vulnerable sya.
May respondent naman na nagsabi na may ibang tao na sakit na iyon kahit seniors, hayop o patay na tao, tinatalo.
3. DEPENDE SA PLACE
If nasa bar ka kaya at binastos ka dun? What can you expect? Nangungunang dahilan kung bakit nasa bar ang isang tao ay naghahanap ng makaka-fling o kaya sexual partner (Infobarrel.com)
If nasa public pool ka kaya? Malaki ang difference diba?
Isipin mo kapag nasa church ka? Pede ka kayang mag-suot ng revealing?
In short, dress appropriately kung nasaan ka. If pupunta ka sa bar, don’t expect that they will act accordingly as if nasa church kayo.
4. FIRST IMPRESSION
Importante ito, sabi nga ng English idiom, “Don’t judge a book by its cover”. May katotohanan ang warning na iyan because ALL OF US judge others based on what they look. Iyan ang ini-stressed out ng isang respondent sa akin. Unang mapapansin sa’yo ng taong hindi ka kilala ay kung paano ka manamit. It will take a while bago ka nya makilala based sa ugali mo. Iyon ay kung magkaka-chance kayo to get to know each other. But it will only take seconds to make an impression based sa suot mo. Lahat tayo guilty dyan. Ayaw nating pinupuna tayo ng iba sa suot natin pero tayo mismo madaling pumuna sa iba based sa pisikal na nakikita natin sa kanila. Double standard, right?
So what impression do you wanna make?
5. CLOSE BA O HINDI?
Isang enlightening sakin na opinion ay considering if close ba ng lalaki yung babaeng nagsusuot ng “revealing dress.”
If sinabihan ka ng boyfriend mo na mag-ingat ka sa mga sinusuot mo, imbes na magmaktol ka, bakit hindi ka kiligin? Gusto ka niyang ingatan dahil mahalaga ka sa kanya. Kaya ingatan mo ang sarili mo. Kahit pa may “batas na nagtatanggol” ayon sa isang respondent.
Sasabihan ka ng lalaki (close mo or boyfriend mo) about your dress dahil ayaw nyang mabastos ka ng ibang lalaki. Alam niyang mag-isip ang kabaro niyang lalaki.
Sa totoo lang, pet peeves ko yung babaeng micromini skirt or short ang suot sa mall kasama ang boyfriend. “Hindi ba sya pinagsasabihan ng nobyo nya?”, naiisip ko.
If hindi ka kilala ng guy, depende sa karakter niya.
Conclusion is MAG-INGAT KA SA PANANAMIT MO KASI KAHIT ANONG ISUOT MO NAAAPEKTUHAN ANG LALAKI OBVIOUS MAN O HINDI. BUT, NAKASALALAY SA CHARACTER NG LALAKING TUMITINGIN KUNG MABABASTOS KA O HINDI.
So, let’s meet halfway?
What’s your “informed judgement”? Search your heart and wholeheartedly answer the question “Does the way you dress matter?”
I want to hear your opinion on the comments box below.
Fruit of Joy
Comments