top of page

๐—›๐—ข๐—ช ๐— ๐—ฌ ๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐— ๐—ข๐—จ๐—ก๐—ง๐—”๐—œ๐—ก ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—ฃ ๐—ฆ๐—จ๐— ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—˜๐—— ๐— ๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ!

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Jan 3, 2024
  • 4 min read

Itโ€™s been a while since nakapag-blog ako. Grabe, ang epic ng 2023 ko. Nagpupuri at nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil yung last week ko ay napakasaya at very meaningful.


Last December 27, 2023, sumama ako sa trip papuntang Treasure Mountain sa Tanay, Rizal. Mga kananayan ang kasama ko. First time ko silang nakasama. Actually, sabit lang talaga ako. Sinama ako ni Mama. Need kong gumising ng maaga. Buti na lang nasanay na ko kasi nung 26 maaga din akong gumising para sa catch up at year-end ng mga ka-age level at friends ko sa ministry.


Pagdating namin doon ay napakalamig. Buti na lang may jacket akong dala. Dinala ko din ang pwd id ko para maka-discount. Nauna ako kasama ang mga senior citizens na nanay na magbayad since discounted kami. Wala akong expectation sa trip na yun. Ang alam ko lang ay hiking at more on sightseeing talaga. Parang pagsalubong ko lang sa 2023. No expectations at all.


Bumaba kami sa may obstacle course na may giant swing at giant see-saw. Na-excite ako sa swing. Sobrang adrenaline rush siguro kapag sini-swing ka. Parang tatapon sa ibaba ng bundok. Lima kami na naglakas loob na i-try ang high rope obstacle course. Ang aim ko lang ay makasakay sa giant swing. Iyon ang last destination ng obstacle course. Iba-ibaโ€™t klaseng obstacle sa rope ang dadadanan namin bago kami maka-akyat sa giant web. After ng giant web, bababa naman kami para makasakay sa giant swing.


Nasa kalagitnaan ako ng unang obstacle course nang nagkamali ako ng hakbang. Supposed to be isang paa lang ang dapat iapak dun sa rope. Dalawa ang naiapak ko. Kinabahan ako nang malala. Nag-panic ako. Nagpatimbuwang ako. Nawalan ako ng balance hanggang sa nakabitaw ako at nalaglag. Buti na lang may harness. Parang first quarter ng 2023 ko, unstable ako as a person. Napaka-emotional ko that led to wrong decision making that caused my downfall. Naging pasaway ako. Buti na lang to the rescue si kuya na guide namin. Pinuntahan nya ako at inangat para makabalik sa course. Parang si Lord lang na di ako pinabayaan and never gave up on me.


Nagpatuloy ako sa course kahit takot parin ako. I encouraged myself. Every step, sinasabi ko na kaya ko. Nakalampas naman ako sa dalawang obstacle course. Pero sa pangatlong course, kinabahan na naman ako. Natatakot ako na mag-fail ulit. Pang-apat ako saming lima pero pinauna ko na yung panglima. Buti pa sya, tahimik at chill lang. Ako pa naman ang pinakabata. May shame at guilt na nahulog ako sa una palang. Katulad din ng na-feel ko nung bumagsak ako sa kasalanan ko. Yung hindi mo mapatawad ang sarili mo at hindi ka maka-move forward. Buti na lang andun si kuya. Inencourage ako. Gusto ko na talagang mag-patihulog na lang pababa since may harness naman. Pero sinabihan ako ni kuya na dapat tapusin ko. Wala akong choice kundi tapusin ang course. At isa pa, wala pa akong nakikitang nahulog na katulad ko. Buti na lang at wala akong choice. Dahil wala akong choice kaya tinuloy ko. Kahit natatakot ako, nanginginig ako, at iniwasan kong tumingin sa baba, I press on. After makatawid sa high rope, next challenge naman ay umakyat sa spider web. Ito na naman ang kaba ko. Bawat matapos na challenge, another challenge na naman ang kasunod. Parang buhay lang na puno ng pagsubok. Hindi ka talaga makakapagpahinga.

Praise God kasi nakaakyat ako sa spider web. Itโ€™s all so worth it. Ang breathtaking ng view. What makes it fulfilling is the fact that I barely made it. Iyong akala mo hindi mo siya matatapos. Akala mo hanggang doon ka na lang noong bumagsak ka. Pero si God hindi sumuko sa akin. Panay sya encourage at pagsalo everytime I fall. Napapatanong na lang ako na bakit Siya ganon? Hindi naman ako worth it. Bakit Sya nananatiling tapat sakin sa kabila ng mga kasalanan ko? Bakit hindi Sya nagsasawa sa pagmamahal, pagpapatawad, at pagtitiwala na makakaya kong matapos ang takbuhin ko. Unbelievable din na hindi Sya nagugulat sa mga pagbagsak ko. Mas kilala Nya pa ako kesa sa pagkakakilala ko sa sarili ko. Alam nya ang lahat ng kahinaan ko as well as my strength. Grabe, akala ko hindi ko matatapos pero here I am by Godโ€™s grace, nagawa ko! At ang last destination na giant swing ay na-enjoy ko nang sobra.


Ang dami kong battles this year lalo na mentally na naapektuhan na din ako emotionally. Hirap talaga kapag sa mind ka nagkasakit. Kahit ang healthy mo physically, dahil your mind is suffering, affected na ang whole body.


Nagpupuri at nagpapasalamat ako kay Lord kasi napaka-patient Nya sakin. Hindi parin sya sumusuko. Parang nakakahiya na kapag bumagsak ulit. Aaminin ko, wala talaga akong kayang gawin without Him. Natapos ko ang 2023 by His grace. Wala parin akong expectations this 2024. Ang hiling ko lang ay matuto na ako at huwag nang ulitin ang mistakes ng 2023. Ang dami kong regrets pero may mga breakthroughs din.


Lord, help me to change myself and to conquer myself every day. Help me to carry my cross and to follow You every day. In Jesusโ€™ name. Amen!


๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜€ ๐Ÿฏ:๐Ÿญ๐Ÿฐ

๐™„ ๐™ฅ๐™ง๐™š๐™จ๐™จ ๐™ค๐™ฃ ๐™ฉ๐™ค๐™ฌ๐™–๐™ง๐™™ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™œ๐™ค๐™–๐™ก ๐™ฉ๐™ค ๐™ฌ๐™ž๐™ฃ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ฅ๐™ง๐™ž๐™ฏ๐™š ๐™›๐™ค๐™ง ๐™ฌ๐™๐™ž๐™˜๐™ ๐™‚๐™ค๐™™ ๐™๐™–๐™จ ๐™˜๐™–๐™ก๐™ก๐™š๐™™ ๐™ข๐™š ๐™๐™š๐™–๐™ซ๐™š๐™ฃ๐™ฌ๐™–๐™ง๐™™ ๐™ž๐™ฃ ๐˜พ๐™๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฉ ๐™…๐™š๐™จ๐™ช๐™จ.

ย 
ย 
ย 

Comments


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page