BIRTHDAY BLOG
- Fruit of Joy
- Oct 21, 2021
- 3 min read
Updated: Feb 14, 2022
2 hours na lang (nung nag-start akong isulat ito), mag-thi-30 na ako. Hindi ito ang pinangarap kong buhay noong bata pa ako. Ang pangarap ko noong nag-aaral pa ako, kapag 30 na ako, may stable career, may sariling bahay, lupa, kotse at may sariling pamilya na.
Wala sa mga iyon ang pinangarap ko na natupad ngayon. Pero alam mo, I can say that I have all I need right now. May peace of mind ako kahit wala namang akong maipagmamalaki sa peers ko. Masaya ako on my own kahit walang taong nagpapakilig at nagpapasaya sakin ngayon. Wala man akong matatawag na sarili kong lupa at bahay, nakatira naman ako sa kinalakhan ko. Hindi ako CPA at wala ako sa Accounting firm pero pinu-pursue ko yung passion ko. Ang epic lang na yung pangarap ko na tinatago ko sa puso ko kasi may social comparison kaya iba ang pinursue ko, ibabalik din ako ni Lord doon. Hindi ako nagpapaka-plastic kasi sarili ko lang ang niloloko ko kung ganoon. At maloko ko man ang sarili ko, hindi ko maloloko si Lord!
Oo, aaminin ko, hindi napakaganda ng nararamdaman ko ngayon. May narinig akong hindi ko nagustuhan kanina. Hindi man sobrang saya ng emosyon ko ngayon, sigurado ako, hindi ako malungkot at hindi ako nade-depressed. Answered prayer parin kasi matagal ko nang pinapag-pray na maging positive ako, na magbago ang negative mindset ko.
Ang ironic kasi na-realized ko, yung mga gusto ko pala na mga bagay na nabanggit ko kanina, I can live without them. Yung mga pinangarap ko dati, HINDI PALA IYON ANG MAHALAGA SA BUHAY. So, ano ang importante pala? Kumpleto ang pamilya ko knowing na may pandemic kung saan maraming namamatay at namamatayan. May sarili akong kwarto na ginagawa kong office area, Bethel, daydreaming sanctuary, meeting place with myself (conference minsan kapag may idi-discuss ako sa sarili ko), dito din ako nakikipag-date with my laptop at printer) at marami pang iba. Hindi ako pine-persecute ng family ko sa career path na pinili ko (most of the time). I have all the time to train myself or upskill, offer to God, pray for myself and others. Inalis ako ni Lord sa corporate world para mawala yung social comparison. Ginagawa ko ang gusto kong gawin, hindi ang dapat kong gawin para i-please ang ibang tao na hindi naman lahat may pakialam sa akin. Ang daming hassle na natanggal. Pero ang dami ding challenges na kaakibat. I have to be alone most of the time. Dati, kapag mag-isa lang ako, nade-depressed agad ako. Ngayon I enjoy being alone. Marunong na kong maggitara. Natutugtog ko na yung gusto kong kantahin. Concert ako ganyan. Nakakapag-ministry parin. Feeling ko nga wala naman akong problema. Ano bang problema ko? Well, yung pride ko. Kasi iba ang kinalakihan kong definition ng success. Kala ko successful ka kapag mataas ang sahod mo. Kapag may 3 story kang bahay. Kapag may boyfriend o asawa ka na. At least, yung bahay namin ganoon kahit di ako ang nagpundar. Pero wait, yung pride ko ba, ako yun? Hindi naman, so wala nga akong problema. Emosyon lang. Yabang lang. HINDI KO BINABABA ANG VALUE NG SUCCESS NA ALAM NG MUNDO PARA I-JUSTIFY KO ANG SITUATION KO. ANG SINASABI KO, MARAMING MAS MAHALAGA KESA SA PINAPAHALAGAHAN NATIN DITO SA MUNDO. AT ANG MGA BAGAY NA NAGDE-DEFINE SA SUCCESS AYON SA WORLDLY STANDARD AY HINDI NAMAN NATIN MADADALA SA LANGIT.
Pero wait, hindi dito natatapos ang lahat. May mga personal promises si Lord na dapat kong alalahanin everyday. Minsan kasi, comfortable na ko na parang gusto ko na lang matulog. Ayaw ni Lord na maging tamad ako kasi may mga pangarap Siyang ibinigay sakin. Iyon ang ipu-pursue ko. Hindi ko iyon tutuparin gamit ang sarili kong diskarte, talino, lakas at resources. Si Lord ang magbibigay. Paraan Nya, hindi ko paraan. Actually, ang dami ko ngang dapat gawin. Ang daming assignment. Ang daming test na dapat ipasa para matupad ang kalooban Niya. Ang daming dapat tanggapin para magbago ang puso ko. At nang mai-align ko ang gusto ko sa gusto Niya. Ang mga pangako ding iyon ang ice-celebrate ko later on kapag tinupad na ni Lord sa Kanyang perfect will at timing. Sa ngayon, motivation na dapat laging ulit-ulitin sa isipan at gawing inspirasyon sa bawat araw. Tanim ng tanim muna ngayon. Aanihin din para bukas.
So, ngayong birthday ko, nagpapasalamat ako sa buhay na binigay Niya, sa mga plano Niya at mga pangako Niya, sa pagsama Niya sa akin sa journey ng buhay ko. Salamat kasi yung relationship ko sa Kanya ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Kung bakit may dahilan para ngumiti, maging positibo, magsumikap, umasa, magmahal, masaktan din, mangarap ulit, repeat all. Magiging successful ako sa standard Niya. Glory to God!

Opmerkingen