BAKIT KAILANGAN MAY LABEL ANG RELATIONSHIP NINYO?
- Fruit of Joy
- Sep 30, 2021
- 2 min read
Updated: Oct 10, 2021
Hello po! So di parin po tayo tapos sa Nevertheless. Sana Squid Game na next! Anyway, gusto kong i-emphasize ang topic na ito. Ipaglaban mo ang label ng relationship nyo kasi…
1. PARA HINDI MAKASAKIT SA MGA NAGMAMAHAL O MAGMAMAHAL SA INYO
Sa last blog, sinabi kong masasaktan ang gustong mag-commit sa inyo. Hindi lang between the two of you ang binabanggit ko. Ito din ay tungkol sa mga tao outside ng magulo nyong relasyon.
Well kung babae ka at may binibigay na boyfriend vibes ang friend mo, baka ma-confused ang potential suitors mo. Baka imbes na pormahan ka ng “the one” mo, mahiya sya at umatras dahil sa malabong relationship nyo ng “friend” mo. Kung lalaki ka naman, baka isipin ng liligawan mo, two timer ka. Ayun, basted.
2. PARA HINDI MAGULO SA IBANG TAO (WALANG GUSTO SA INYO)
May mga tao na kapag tinatanong kung bakit sweet kayo, sasabihin mo, “friends” lang kayo. Pero kapag may kasamang iba ang “kaibigan” mo, magseselos ka naman at aawayin pa siya at yung kasama niya. O kaya magreregaluhan kahit walang okasyon tapos may friendsary pa? Ganyan? Ang gulo diba?
Naiisip ko tuloy, yung label na as a friend, ginagamit na excuse para maiwasan yung accountability at responsibility ng romantic relationship. Ayaw mag-commit kasi complicated daw. The truth is yung accountability at responsibility ng commitment ang magpro-protekta sa inyong dalawa.
3. PARA HINDI MASAKTAN KAYONG DALAWA
Ang bawat relasyon ay may katumbas na expectation at responsibilities. So, kung hindi malinaw kung ano talaga ang relationship nyo, may mga unmet expectations at mga excesses na pedeng mangyari. Umakto ayon sa totoong level ng relationship, hindi sa ine-expect o dine-day dream mo.
What if sa kalagitnaan ng inyong fling, nabuntis ang babae? Papanagutan kaya ng lalaki?
If may gusto nga siya sa’yo, hindi automatic magko-commit sya sa’yo. Learn to know the difference. If serious ka sa relationship, hanapin mo yung sincere at seryoso din. Di applicable ang opposite poles attract sa commitment.
4. FOR THE GLORY OF GOD
Kung Cristiano ka tulad ko, aim natin na lahat ng ating ginagawa ay para sa karangalan ng Diyos. Hindi lang sa church, sa bahay, sa kaibigan, pati na rin sa romantic relationship. Walang blessing ni God ang walang commitment na relationship: romantic friends, friends with benefits (fornication), flinging, flirting at iba pang tulad nito.
1 Corinthians 6:18–19
"Run from sexual sin! No other sin so clearly affects the body as this one does. For sexual immorality is a sin against your own body. Don't you realize that your body is the temple of the Holy Spirit, who lives in you and was given to you by God? You do not belong to yourself."
Ang relationship na dumaan sa paraan at timing ng Diyos ay di lang makakalugod sa Kanya at sa mga tao, may magandang hinaharap din: ang wedding altar.
Share din kayo ng pwedeng reasons to have label. Paki-share sa mga kilala nyong marupok din like Yoo Na-bi. O kaya sa mga pa-fall like Jae-yeon.

Comments