BAKIT DAPAT MATAKOT KA SA DIYOS?
- Fruit of Joy
- Oct 31, 2021
- 4 min read
Updated: Nov 7, 2021

Good evening! Salubungin natin ang Halloween tonight ng bagong blog. Hindi ako nag-ce-celebrate ng Halloween as christian, pero sasakyan ko ang theme na yan para ipasok ang blog na ito. This is the most appropriate time to do it. Ang takot na binabanggit ko dito ay ang takot na bunga ng paggalang at pagkamangha sa pagiging Diyos ng ating Panginoon. Bakit dapat kang matakot sa Diyos?
1. KASI SIYA ANG DIYOS
Naalala nyo ang story ni Job? Hinayaan ng Diyos na salingin siya ng diyablo. Pinayagan Nya na kunin ni satanas ang lahat ng pedeng source ng security nya: wealth at family. Out of desperation, tinanong nya ang katwiran ng Diyos. Paano ito sinagot ng Diyos (Job 38-41)? Pinakita niya kay Job na sya ang Diyos without saying na siya ang Diyos. Paano? Nag-visual tour sila ni Job sa mundo. Pinakita nya ang kakompletuhan at ang pagiging complicated ng design ng ating daigdig. Nasaan ba si Job nung likhain ng Diyos ang daigdig? Kung madaming hindi alam si Job, paano niya maiintindihan ang walang hanggang Diyos? Kaya hindi natin lubusang maiintindihan ang Diyos kasi hindi natin Siya ka-level. Kapag na-gets mo sya completely, bakit mo pa sya naging Diyos? Tsaka kahit, i-explain Nya ang sarili nya, hindi naman abot ng pang-unawa natin. Limited tayo, unlimited sya. Paano magtatagpo?
Sabi nga ni Job after siyang sagutin ng Diyos,
Job 42:3b
“…Surely I spoke of things I did not understand, things too wonderful for me to know.
Pero kahit ganoon, nagpapakilala ang Diyos sa mga umiibig sa kanya. Pero ayon parin iyon sa sukat ng kanilang pananampalataya sa Kanya. Kaya mong intindihin si Lord (kahit papaano) ayon sa sukat ng faith mo sa Kanya.
Matakot ka sa Diyos kasi Sya ang lumikha sa’Yo.
2. KASI NASA KANYA ANG FINAL SAY KUNG SAAN MAPUPUNTA ANG KALULUWA MO
Minsan, iniisip ko na buti pa ang masama kasi parang ang ganda parin ng nangyayari sa buhay niya. Parang nakakatakas sya sa mga kasalanan niya. May mga mabubuting tao pa nga na siyang nagdurusa at napaparusahan diba? May isang sikat na christian composer na ito ang kinatisod. Pero ang tanong na ito about injustice ay matagal ng sinagot sa Biblia ni Haring Solomon na matatagpuan sa aklat ng Mangangaral.
Ecclesiastes 12:13-14 13 Now all has been heard; here is the conclusion of the matter: Fear God and keep his commandments, for this is the duty of all mankind. 14 For God will bring every deed into judgment, including every hidden thing, whether it is good or evil.
Maaaring masarap ang buhay mo dito sa mundo anuman ang iyong ginagawa. Ang tanong, dito ba natatapos ang lahat? Kung pede lang na pumunta ako sa afterlife at bumalik ulit para i-update kayo kung anong kalagayan doon, sana ginawa ko na. Pero nakakasiguro ako na ang buhay ay hindi natatapos dito sa mundo. May buhay pang darating. Anong naghihintay sa atin sa buhay na darating? Saan tayo mapupunta: langit o impyerno? Depende sa relasyon natin sa Diyos. At ang reward naman o parusa? Depende sa mga ginawa natin dito sa earth. Mayroong langit at impyerno, maniwala ka man o hindi.
Matakot ka sa Diyos kasi Sya ang ating final judge.
3. KASI KAPAG NAG-BACKSLIDE KA, MAS MALALA PA MAGIGING KALAGAYAN MO KUMPARA SA DATI MONG BUHAY
Hebrews 6:4-6 (NLT)
For it is impossible to bring back to repentance those who were once enlightened—those who have experienced the good things of heaven and shared in the Holy Spirit, who have tasted the goodness of the word of God and the power of the age to come — and who then turn away from God. It is impossible to bring such people back to repentance; by rejecting the Son of God, they themselves are nailing him to the cross once again and holding him up to public shame.
Applicable ito sa mga christian. Assuming na may non Christian na nagbabasa nito, ang backsliding ay pagtalikod sa Diyos upang bumalik sa buhay mo bago mo Sya nakilala. Paano kapag tuluyan kang nag-backslide? Ayaw mo na sa Kanya? Ang Diyos ay nagdidisiplina! Lalo na sa mga mahal niya! Iniwan nga niya ang 99 na tupa para sa isang tupang nawawala. Ganyan tayo kamahal ng Diyos kaya hahanapin Nya tayo kapag Nawala tayo. Let me share my personal story.
Alam mo yung feeling na may nag-aagawan sa kaluluwa mo? Minsan, may mga panaginip ako na inuuod ako. Napi-picture out ko pa noon yung hell at andoon ako. Ang daming weird na nangyari. Baka sa hiwalay na blog na lang ang iba pang detalye. Pero, yung security at God’s favor bilang kristyano, naramdaman kong unti-unting nababawasan. Takot na takot ako noon. I went under depression. Bata palang ako, madali na kong ma-depressed pero ito ang pinakamatinding depression ko. Yung feeling na wala akong kakapitan noon kasi umalis ako sa dapat kong kapitan. Ang creepy. Kumbaga sa history, Dark Ages ko talaga yung moment na iyon. Hindi ako nakatiis at bumalik din ako sa Kanya.
Philippians 2:12-13
12 Therefore, my dear friends, as you have always obeyed—not only in my presence, but now much more in my absence—continue to work out your salvation with fear and trembling, 13 for it is God who works in you to will and to act in order to fulfill his good purpose.
Matakot ka sa Diyos kasi kapag tumalikod ka sa Kanya, hindi ka na maliligtas!
So, hopefully na-realized nyo na mas dapat nating katakutan ang Diyos kesa sa anumang kinatatakutan natin. God bless lovelifes!
Fruit of Joy
0
People reached
0
Engagements
–
Distribution Score
Boost Post
Like
Comment
Share
Comments