top of page

ANO BA ANG FLING?

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Sep 20, 2021
  • 3 min read

Updated: Oct 10, 2021

Let’s define some terms para malinaw. Ano ba ibig sabihin ng fling?


Ayon kay mareng Merriam-Webster, ang fling ay


1 : an act or instance of flinging. 2a : a casual try or involvement. b : a casual or brief LOVE AFFAIR. 3 : a period devoted to self-indulgence.


So, sa number 2b tayo magfo-focus. In short, brief romance lang sya. Ano ba ibig sabihin ng love affair? Let’s deconstruct love and affair.


Ayon sa difference between na website;


”An affair is a sexual relationship or a ROMANTIC FRIENDSHIP or passionate attachment between two people. Love is a more deep and meaningful connection between two people.”


Sabi pa dito, ang affair ang simula ng isang romantic relationship. Teka, meron palang tinatawag na romantic friendship? So, kung romantic friends kayo, may affair na kayo. Dalawa daw ang pwedeng kahinatnan ng affair, once na nawala na ang illusion, mag-eend na ito or can blossom into love.


Unlike affair na nabubuhay sa perfection at illusion, ang love nabubuhay sa reality.


Ayon kay urban dictionary, ang fling ay;


More romantic than "FRIENDS WITH BENEFITS" but not an actual relationship.


Ang friends with benefits naman ay casual sexual relationship na walang emotional attachment


In short, lahat ng nasabi kong relationship like fling, romantic friends at friends with benefits, walang commitment! Ang love nagko-commit!


Paano mo masasabi na nakikipag-fling ka na?

1. Kapag nag-i-initiate ng communication.

Nagpapakita na kasi ng interes kapag ginagawa mo ito or siya.


2. Kapag may malisya na sa’yo yung simple words nya at gestures.

May romantic intention na.


Ang mahirap sa walang label, at kapag hindi nyo pinag-uusapan kung ano talaga kayo, masasaktan ang sinumang gustong mag-commit sa inyo. Syempre di nya yun deserve.


Paano maitatama ang walang label na relationship?

1. REBOOT TO SAVE THE FRIENDSHIP.

Kung aminado ka na romantic friends kayo, sigurado ka din na may excesses sa relationship nyo. Iyon ang mga gesture at expectations na lumalampas na sa pagkakaibigan lang. Kung after nyong mag-usap at nahihirapan kayong tanggalin ang mga iyon, pero, gusto nyong maging magkaibigan parin, try to reboot. Ano ba ibig sabihin nun? Ang reboot sa computer ay pagre-restart. Restart ulit kayo.


Unang step, lumayo muna kayo sa mga activity na pwedeng mag-trigger ng mga ‘more than friends’ gesture nyo or words. It can be hanging out together. It can also be chatting each other hanggang mag-umaga na.


Kung pareho kayong marupok, na binawasan nyo na nga ang shared activity nyo, pero everytime na mag-usap or kita kayo, ganun parin, next step na tayo.


Temporarily shut down ALL communications at AVOID hanging out together. Mahirap gawin ito sa una dahil sa emotional attachment. Pero magagamit nyo ang time away from each other to figure out kung ano ba talaga ang nararamdaman nyo sa isa’t-isa. During this time, I suggest wag kang manood ng romantic films at makinig ng romantic songs. Bakit? Kasi imbes na makalaya ka sa romantic desires mo, lalo lang titindi kapag pini-feed in mo ng movies at songs. Madadaya lang ang puso mo ng mga ito.


Dalawa ang pedeng mangyari dito, (1) mare-realized nyong friends lang talaga kayo at mawawalan ng romantic desires. So pagbalik nyo sa isa’t-isa, be friends na lang talaga. Or (2) i-end na ang friendship kung ang isa, gustong i-level up pero yung isa, friends lang talaga ang want.


2. MAKE IT OFFICIAL.

If during ng inyong reboot, na-realized nyo na mahal nyo talaga ang isa’t-isa at mutual kayo na gustong i-level up ang friendship into actual romantic relationship, go na! Ang willingness na mag-commit ay sign of maturity. Hindi ka na bata at ready ka na sa responsibilities. Gawin nang monthsary at anniversary ang friendsary na yan! Be faithful sa isa’t-isa.


3. SET BOUNDARIES.

Friendship o romantic man, dapat may boundaries. Because those boundaries will protect you from toxic relationships. It will also protect your mental being and your partner. So, if galing kayo sa reboot at friends lang nga, para ingatan na wag maging romantic friends ulit, pag-usapan nyo do’s and don’ts nyo. Balewala ang reboot kung walang boundary. Sa romantic naman, pag-usapan ang limitation ng relationship nyo.


Ano ba talaga kayo? Friends or romantic friends? If romantic friends, are you ready for the next level? Hope nakatulong ang blog na ito sa inyo. God bless!




コメント


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page