top of page

ANO BA ANG DAPAT MONG ISIPIN SA GITNA NG PANDEMYA?

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Jun 15, 2021
  • 2 min read

Sa panahon ng pandemya, tumigil ang mundo. Dati predictable ang lahat. Nagrereklamo ka pa nga sa facebook dahil Monday na naman! Gigising ka para magtrabaho o kaya pumasok sa school. May traffic. May trabaho. May klase. Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat. Pede pala yun? Pede palang hindi lumabas ng bahay ng ilang buwan? Pede palang hindi mag-mall? Pede palang hindi pumasok sa school? Pede palang hindi pumasok sa office? Ang daming nangyaring hindi mo inakala. At walang nakapaghanda.

Lahat tayo nabigla at tila hindi alam ang gagawin.

Ano ang dapat mong isipin at gawin?


1. LUMAPIT SA KANYA.

Okay so lahat tayo ay hindi ito inasahan at hindi nakapag-ready. Pero naisip mo ba na merong Diyos na kahit kelan ay hindi nasosorpresa sa kahit anong mangyari? At hindi Siya nagbabago kahit anupamang magbago?


Dahil ganun Siya, siya lang maaasahan natin sa panahong ito. Hindi Nya tayo bibiguin.


2. MAGPASALAMAT SA KANYA.

Hindi ba buhay ka pa? Ikaw na nagbabasa ngayon. Oo, baka natanggal ka sa trabaho. Baka problemado ka sa online class mo. Kung paano mo ito maitatawid. Pero buhay ka! Hindi ka kasama sa 362,243 nationwide covid cases dito sa Pinas, ayon sa DOH. Kung nagkasakit ka man ng COVID, buhay ka at naka-recover ka! Nababasa mo pa nga ito diba! Oo, mas mahirap ang sitwasyon mo before ang covid, pero kung namatay ka sa covid, confident ka bang harapin si Lord? Wait lang, sure ka ba kung saan pupunta ang kaluluwa mo kapag namatay ka?


Ang daming pedeng mas malalang nangyari pero buhay ka! Alam mo bang 6,747 na ang namatay sa covid dito sa Pinas as of this writing! Isang milagro sa kabila ng pandemyang ito na hindi ka kasama dun! Diba kahit anong ingat mo, pede ka paring magkaroon. Kahit sino pede! Hindi natin nakikita ang virus pero nakikita ng Diyos! At binigyan ka niya ng protection laban dito. Iningatan ka ni Lord!

3. MAGTIWALA SA KANYA.

Sa panahong walang kasiguraduhan sa iisipin at gagawin, tanungin ang sarili. Kung ang Diyos lang ang maasahan ko ngayon, sino ba ang Diyos? Ano bang katangian ng Diyos? Nagkakamali ba ang Diyos? Ano ba ang kaya niyang gawin para sa akin? May plano ba ang Diyos?

May plano ang Diyos. Favorite verse ang Jeremiah 29:11.


Hindi nagkakamali ang Diyos. Pero madalas hindi natin siya naiintindihan.

“Bakit hindi ko maintindihan ang Diyos?”


Alam mo ang sagot sa tanong na iyan? Sagot na mahirap tanggapin. Nakakabobong sagot minsan. “GANUN TALAGA KASI DIYOS SIYA”!

But wait there’s more, pababayaan ka ba ng Diyos na wala kang alam?


HINDI! The point is magtanong ka sa Kanya! Anong gusto Niyang sabihin sa iyo. Lumapit at magtiwala anuman ang purpose Niya behind this.

May kasunod ang fave verse na Jeremiah 29:11. Sa verse 13, “You will seek me and find me when you seek me with all your heart.

Seek Him in the midst of this pandemic.


Romans 8:28 “All things work together for good of those who love God and are called according to His purpose”.


Fruit of Joy

 
 
 

Komentarze


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page