𝐃𝐄𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐃𝐈𝐒𝐂𝐎𝐔𝐑𝐀𝐆𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐒
- Fruit of Joy
- May 27, 2023
- 2 min read
Appreciation Day para sa mga papaalis na executive leader sa kanilang ministry. Aside from that, may mga kasama din silang leaders papunta sa ibang ministry. Binigyan ng pagkakataon ang mga leader na iyon para pasalamatan at purihin ang kanilang executive leaders. Lahat ng executive leaders ay napasalamatan maliban sa isa. Napaisip tuloy siya kung anong dahilan? Hindi ba sya na-consider na leader ng mga iyon? Wala ba siyang nagawa para sa mga ito? Nalungkot sya habang nasa isang tabi. May kasalanan ba siya kaya hindi man lang sya na-recognize ng mga ito? Five years nyang nakasama sila pero parang wala siyang naiambag sa mga buhay nila.
Sa kalagitnaan ng kanyang self-pity party, pinaalala sa kanya ni Lord ang 1 Corinthians 15:58.
58 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘨𝘢, 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘪𝘯𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘵𝘪𝘥, 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘢𝘨. 𝘔𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘪𝘱𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘨𝘪 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨𝘬𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘨𝘢𝘭 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢.
Ano ang iyong gagawin kapag sa katapusan ng iyong paglilingkod ay tila walang nakaalala o naka-appreciate sa iyong mga ginawa?
𝟭. 𝗨𝗡𝗔𝗛𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗣𝗥𝗢𝗩𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗬𝗢𝗦 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢 Natural lamang na gustuhin ang affirmation ng iba. Sinabi naman ng Diyos na ingatan ang patotoo upang ma-bless ang kapwa. Hinahatulan natin ang ating sarili base sa ating mga motibo pero ang ibang tao naman ayon sa kanilang sinasabi at ginagawa. Hindi natin makikita kung anong nasa puso ng isang tao. Tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam. Dahil dyan, fix our eyes on Jesus. Since Sya lang naman dapat ang maging rason natin sa paglilingkod. Kahit sa tingin mo, hindi ka appreciated ng iba, si Lord nakikita niya ang iyong mabubuting gawa para sa Kanya.
𝟮. 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗢 𝗠𝗔𝗣𝗜-𝗣𝗟𝗘𝗔𝗦𝗘 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢 May mga tao na talagang hindi mo makakasundo kahit wala kang ginawa sa kanila. May mga tao naman na maaaring na-offend mo pero hindi makalimot kaya nananatiling bitter sa’yo. I-let go ang lahat ng bitterness at unforgiveness. Patawarin ang sarili at humingi ng tawad sa nagawan ng kasalanan. Kung ganoon parin ang inyong relasyon, hayaan mo na at mag-focus na lang sa mga tao na gusto kang maging part ng buhay nila.
𝟯. 𝗠𝗔𝗬 𝗥𝗘𝗪𝗔𝗥𝗗 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗧 Tandaan na may Bema Judgement sa mga Cristiano. So, hindi pa tapos ang lahat para sa iyo. May bigayan ng korona sa langit. Iyon ang abangan mo. Ang koronang iyon ay makalangit at hindi nasisira. Daig pa nito ang olympic medals na masisira din at makakalimutan. Ito ay ang Diyos mismo ang nagbigay. As long as ginagawa mo ang part mo sa kaharian ng Diyos at hindi ka nagpapatinag sa paglilingkod sa Kanya, makakaasa ka na may gantimpala ang iyong paghihirap at pagsisikap para sa Diyos.
Kaya huwag ka nang mag-self pity. Huwag ka nang malungkot. Andyan si Lord para I-comfort at pasayahin ka. Anuman ang iyong pagdaanan sa iyong paglilingkod, sasamahan Ka niya. Hindi ka niya iiwan ni pababayaan man. Smile na:)
𝙒𝙞𝙩𝙝 𝙡𝙤𝙫𝙚, 𝗙𝗿𝘂𝗶𝘁 𝗼𝗳 𝗝𝗼𝘆
Commenti