𝐏𝐑𝐀𝐈𝐒𝐄 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐈𝐍𝐆, 𝐍𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐒𝐋𝐄𝐀𝐃𝐈𝐍𝐆?
- Fruit of Joy
- Jul 14
- 4 min read
Hello Lovelies,
Ang tagal ko na naman bago nakapagsulat. I really wanted to write every week pero ang hirap talagang magsulat ng content. Siguro dahil idealistic ako at gusto ko na may sense talaga yung isusulat ko at hindi lang me maisulat lang. Pero naisip ko din na the best thing to write is about my personal experience. What if I write about something interesting about my week. So ngayon nga ay ita-try ko. I have a very interesting week. Yung isa ay baka sa next blog ko pa pero ngayon iku-kwento ko yung Sunday ko. Sana huwag nyo akong i-judge sa mga nararamdaman ko dahil tao lang naman ako katulad ninyo.
Anyway sige, let’s dive in na. Praise leader ako sa church namin last July 13. Na-late ako ng dating sa church. Nag-alarm naman ako ng 6:30 am pero late parin ako nakarating. Doon palang pangit na ang simula ng araw ko. Since late ako, hindi na ako nakapag-practice before ng service. That is a no-no. Hindi nakapag-warm up ang boses ko. I have this constant problem na everytime magpapakanta ako, ang baba ng boses ko kesa sa natural boses ko tuwing umaga ng service. This spells disaster. Kaya ayun, since mababa ang boses ko, hindi ko na maabot yung tono. Ang ganda ng practice namin nung Sabado. Nakakabirit pa ako. Pero this Sunday morning, nganga. Alam mo bang dalawa pang fast song at magkasunod pa silang kakantahin ko. During practice nung Sabado, hinihingal ako sa pagkanta. Kaya naman, mejo binagalan naming yung last fast song. Nahihirapan akong pumasok sa bawat kanta ko. Tapos parang ang hina ng mic ko pero rinig ko naman ang boses ko. Nayayamot ako habang kumakanta dahil ang baba ng boses ko. Pero need magpatuloy eh. Hindi naman ako pwedeng mag-walk out sa stage. Ako kaya yung nagpapakanta. Naramdaman mo na iba iyon na naglilingkod ka habang nadi-discouraged ka? Pero kailangan mo paring magpatuloy dahil nakakahiyang tumigil kasi makikita ng lahat kapag umalis ka or nag-quit? Naranasan mo na ba iyon, hindi lang sa ministry kundi sa school, or office, or sa relationship, or sa mga pangarap mo sa buhay? Mahirap siya lalo na kapag feeling mo nagpapanggap ka lang na okay ka. Nagso-sorry ako kay Lord kasi hindi ako makapag-focus sa worship sa Kanya. Worship is a personal encounter at space to feel the presence of God and to be with Him. Pero dahil bwisit ako sa boses at sa mga pagkakamali ko, hindi ko tuloy ma-appreciate yung presence ni God. This is not supposed to be what I feel pero ito yung naramdaman ko. Ano ang dapat kong gawin?
Pero alam nyo ba na may plot twist? Pagkatapos ng kantahan namin at nakaupo na kami sa unahan, kinalabit ako ng isa kong ka-churchmate. Inask niya if naririnig ko ba ang boses ko. Sabi ko naman na oo. Hindi niya pala kasi naririnig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. So, lahat pala ng worries ko kanina ay balewala if hindi naman pala naririnig ang boses ko. Nag-overthink lang pala ako if ganon? Nakakaloka. So ito ang natutunan ko:
𝟭. 𝗞𝗘𝗘𝗣 𝗠𝗢𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗪𝗔𝗥𝗗.
Lahat tayo ay nakakaranas ng setbacks along the way. Ano mang i-pursue mo sa life (career, romantic, dreams, etc.), ay talagang may kahaharapin kang problema. Pero ano ang pinagkaiba ng winners sa losers? They keep on going. When the going gets tough, they keep the tough going, ika nga ng expression na nabasa ko dati sa isang book. Trials ay inescapable kung paanong ang pain ay inevitable.
𝟮. 𝗞𝗘𝗘𝗣 𝗙𝗔𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗪𝗔𝗥𝗗.
Nabasa ko ang expression na “failing forward” sa book ni John Maxwell. Mayroon palang ganoon. Lagi kong nararanasan na ang baba ng boses ko tuwing umaga. Failure siya for me pero I need to do something about it. Ang failing forward ayon sa pagkakaintindi ko ay yung natututo ka sa failures mo. You become better and wiser. Ginagamit mo ang mga kabiguan para gumaling pa lalo. Natutunan ko na dapat talaga may vocal warm-up before sumalang. Dapat may practice kahit isang pasada lang ng mga kanta before mag-start. Dapat gumising at dumating ng mas maaga pa. Nakakainis ang mga palpak pero worth it siya if may natututunan ka para hindi na siya maulit.
𝟯. 𝗢𝗩𝗘𝗥𝗧𝗛𝗜𝗡𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗘𝗘𝗗𝗦 𝗗𝗜𝗦𝗖𝗢𝗨𝗥𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧.
Ang dami ko nang negatibong naisip habang nagpapakanta. ‘What if mag-walk out ako?” “What if mag-quit na lang ako sa ministry?” “Baka kasi hindi naman talaga para sa akin?” Ang daming what-ifs at overthink malala. Tapos ang ending, hindi naman pala narinig ng iba yung boses ko. Paano if nag-give in ako sa intrusive thoughts ko? What if tumigil ako sa pagkanta? Tapos walang sumalo sa akin? Eh di nagambala yung service ‘diba? Imbes na kay Lord naka-focus, nakuha ko yung spotlight? Since hindi pala narinig ang boses ko, it doesn’t matter pala yung mga mali ko kasi walang nakapansin sa mga ito. Tapos na-discouraged na ako to the point of quitting. I think yung mga bagay na ikinadi-discourage natin ay self-inflicted o tayo rin ang may kagagawan. Baka kasalanan mo at hindi ng iba kung bakit ka nadi-discourage. Be honest to yourself at evaluate your thoughts. Sabi nga sa Psalm 139:23-24:
𝗦𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗺𝗲, 𝗚𝗼𝗱, 𝗮𝗻𝗱 𝗸𝗻𝗼𝘄 𝗺𝘆 𝗵𝗲𝗮𝗿𝘁;
𝘁𝗲𝘀𝘁 𝗺𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗸𝗻𝗼𝘄 𝗺𝘆 𝗮𝗻𝘅𝗶𝗼𝘂𝘀 𝘁𝗵𝗼𝘂𝗴𝗵𝘁𝘀.
𝗦𝗲𝗲 𝗶𝗳 𝘁𝗵𝗲𝗿𝗲 𝗶𝘀 𝗮𝗻𝘆 𝗼𝗳𝗳𝗲𝗻𝘀𝗶𝘃𝗲 𝘄𝗮𝘆 𝗶𝗻 𝗺𝗲,
𝗮𝗻𝗱 𝗹𝗲𝗮𝗱 𝗺𝗲 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝘄𝗮𝘆 𝗲𝘃𝗲𝗿𝗹𝗮𝘀𝘁𝗶𝗻𝗴.
So, to wrap it up, don’t ever quit kahit mahirap, matuto sa mga pagkakamali, at huwag mag-overthink. Control your thoughts. Praise leading siya na naging misleading but actually, it leads me back to God. Ayun lang at God bless. Salamat sa time ng mga nagbasa at sana naka-relate at natuto kayo. Please pray na maging consistent ako sa blogging.
Love,
𝙁𝙧𝙪𝙞𝙩 𝙤𝙛 𝙅𝙤𝙮🍒
Commentaires