๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐ก๐ ๐ง๐๐ ๐๐ข๐๐ฌ ๐'๐ ๐๐ก
- Fruit of Joy
- Aug 26
- 4 min read
August 25, 2025
Date na dumating ang inorder kong damit online. Alam mo kung bakit it matters? Kasi ang parcel na iyon ay naglalaman ng first ever kong plus size outfit. Size 0XL siya. First time kong from dati ay small pero ngayon ay magsusuot na ng plus size na damit. Sa wakas, natanggap ko na na ang season ng life ko ngayon ay overweight ako. Tinanggap ko na na hindi ko na muna masusuot yung small sizes kong damit. Kapag pinilit ko silang isuot ay mawawarak lang sila. Hindi na ako pwedeng magsuot ng fitted. Nakatago na yung dresses ko. Ang tanging nasusuot ko na lang sa wardrobe ko ay size medium papalaki.
Just a little background of my weight journey. All my life ang payat-payat ko. Kapag nakita mo ang mga picture ko noong elementary bago ako mag-board exam, maaawa ka sa bony este skinny body figure ko. Imbes na hour glass, skeletal ang body shape ko. Alam mo bang noong high school ako, may physical check-up kami. Iche-check yung mata mo, ngipin, dila, at buhok. Nakapila ang section namin ng pahaba. After ma-check, sasabihin ng nurse yung evaluation niya. Bago ako, sabi ng nurse sa classmate ko, โFairโ. Alam mo kung anong sabi nya pagdating saโkin? Two! Gets mo? In short, pangalawa ako sa malnourished sa klase. Since bata pa ako, kahit kain construction ako, tiyan ko lang ang lumalaki. Kahit anong kain ko,hindi talaga ako tumataba. Alam mo bang 37 kilos lang ako noong high school? Ang waistline ko ay 24 inches. Noong college, naging 42 kilos na timbang ko. Gusto kong mag-donate ng dugo pero 50 kilos ang required kaya hindi ko magawa. Tinanong ako ng prof ko dati kung bakit daw ang payat ko. Malnourished daw ako sabi ng college crush ko. Strange sakin ang salitang mataba, chubby, jubis, or kahit anong masasabing overweight or obese ako.
Pero paglampas ko ng 25, unti-unti kong nararamdaman na tumataba na ako. Bumabagal na ang metabolism ko. During the pandemic ako nag-start mag-home workout. Ang timbang ko noon ay 54.9 kilos sa height na 5โ3 inches. Okay na ako sa katawan ko at gusto kong magpa-tone ng katawan.
Here comes my second great depression era noong September 2022. Nag-iba ako ng lifestyle. Puro higa lang ako sa kwarto ko buong maghapon at magdamag. Isolated sa rest of the world. I decided na mag-seek ng professional help noong 2023. Side effect ng gamot na nireseta sa akin ay weight gain. Given my depressed lifestyle at gamot, my weight escalated. Year 2024 when I recovered from depression. I decided na magtimbang. At here comes the heavy truth: 74 kilos na ako. From 54.9 to 74 kilos! I canโt believe it! Dati sinasabihan ako na sexy, maganda daw ang katawan ko. Malaki daw ang butt ko. Ngayon, โang taba mo naโ! o kaya nagsalita ang โmatabaโ. It feels surreal to me. Kaya pala ang bigat-bigat ng dinadala ko kasi I gained 20 kilos. Kaya pala ang sakit ng tuhod ko! Kailangan kong tanggapin kahit ayoko dahil iyon ang totoo. Sa phase na ito, natutunan ko na yakapin ang plus size kong katawan pero:
๐ญ. ๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฃย ๐ ๐๐๐๐ก๐ย ๐ ๐๐ง๐๐๐.
Dati ang smooth lang ng body movement ko. Ngayon, kapag tumatagilid ako or iniikot ko ang torso ko, may bumabanggang taba. Kapag umuupo ako sa sahig, ang sakit sa tuhod ng pag-upo at pagtayo. I feel old na parang senior na ako. Inaasar na akong mataba ng ibang tao. Tapos lagi pa akong sinasabihan ni mama na ang taba-taba ko na daw. Nagduda pa siya nung medium lang ang size ng t-shirt na inorder ko. Sinuot ko sa harapan niya yung t-shirt para tigilan nya ako. Buti na lang, kasya sa akin. Size large na daw ako! Since hindi ko na masuot yung wardrobe ko, I opted sa square pants. Hindi na ako makapagsuot ng denim pants. Size 30 yung last kong waistline sa maong. Ngayon, hindi na kasya sa pwet ko. Hinihingal ako agad sa pagtakbo at sa cardio exercises. Parang hindi ko na kilala yung katawan ko.
ย
๐ฎ. ๐ย ๐๐๐๐๐ฃ๐ง๐๐ย ๐ก๐ย ๐ ๐๐ง๐๐๐ย ๐ก๐ย ๐๐๐ขย ๐ฃ๐๐ฅ๐ขย ๐๐จ๐ฆ๐ง๐ขย ๐๐ข๐ก๐ย ๐ฃ๐จ๐ ๐๐ฌ๐๐งย ๐๐ข๐ฅย ๐๐๐๐๐ง๐ย
๐ฅ๐๐๐ฆ๐ข๐ก๐ฆ.
May BMI is 29.6. Ang BMI ng obese ay 30. So, may .4 pa ako before ma-obese. Hindi na ako aabot doon. Yes, I accepted na mataba ako ngayon pero hindi ako mataba forever! Magpapapayat ako! Ang taas ng risk ng obese persons sa heart attack, stroke, diabetes at iba pang cardiovascular diseases. Ayokong maging diabetic! Ang hirap ng may sakit at mamatay sa sakit. Kaya unti-unti binabalik ko yung lifestyle ko before ma-depressed. I try to wake up earlier kahit ayoko. I exercised sa umaga kahit tinatamad ako. Kumakain ako ng oatmeal at hindi kanin sa breakfast kahit hindi ko feel. I need to discipline my body and make it my slave para mabuhay ako ng matagal pa. ย
ย
๐ฏ. ๐๐ข๐ฉ๐๐ก๐ย ๐ฌ๐ข๐จ๐ฅย ๐๐ข๐๐ฌย ๐ ๐๐๐ก๐ฆย ๐๐๐๐๐ฃ๐ง๐๐ก๐ย ๐ฌ๐ข๐จ๐ฅย ๐๐๐๐ช๐ฆย & ๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก๐ฆย ๐๐จ๐งย ๐ฆ๐ง๐๐๐ย ๐๐ข๐๐ก๐ย ๐ฆ๐ข๐ ๐๐ง๐๐๐ก๐ย ๐ง๐ขย ๐๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ย ๐๐งย ๐๐ฆย ๐ย ๐๐ข๐ข๐ย ๐ฆ๐ง๐๐ช๐๐ฅ๐.
I love my body. It is Godโs gift to me. May mga bagay na hindi ko na mababago unless magparetoke ako. I hate my nose. I hate my nunal. I hate my noo na malapad. Pero tanggap ko sila. They are my unique assets.
Pero may magagawa ako sa waistline ko. Hindi nga daw weight ang importante kundi waistline daw ang determinant ng health. May control ako sa mga kinakain ko at sa exercise ko. At dahil mahal ko ang sarili ko at ang katawan ko, gusto ko itong alagaan at pagandahin pa. Kaya may skincare ako for my oily face. Kaya I exercise and try to eat clean foods. At higit sa lahat mahal ko ang gumawa ng katawan ko. Grateful ako sa Kanya and I want to please him by being a good steward of my body.
Ikaw, anoโng weight loss with faith journey mo? Huwag tayong susuko kahit mahirap! It is all worth it!
Comments