top of page

OVERCOMING DEPRESSION

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Aug 11, 2021
  • 2 min read

1. Happiness does not always depend on what you feel and on what happen to you.

Sino ba ang nagsabi sa iyo na ang happiness ay always feeling good? Baka kasi kaya di ka happy kasi feeling mo dapat laging good mood ka? Bakit yung mga nagmamahal kahit nasasaktan, masaya parin?


Ayon sa book ni Sonya Lyubomirsky na “The How of Happiness: A New Approach to Getting the Life You Want’, 10% lang ang contribution sa happiness mo ng mga nangyayari sa buhay mo.


2. You can synthesize happiness.

Ayon sa psychologist na si Dan Gilbert, may two types of happiness: Natural at Synthetic. Ang natural happiness ay kasiyahang nararamdaman mo kapag nangyari ang inaasahan mo tulad ng natupad na pangarap. Pero ang synthetic happiness naman ay kasiyahang mararamdaman mo parin kahit masama ang mangyari sa'yo at sa paligid mo. Tulad nitong pandemic, diba hindi ka pa naman naloloka?


3. You can trick your brain to be happy.

Ayon kay Prof. Laurie Santos ng Yale University, ang utak natin ay may tendency na i-normalize ang anumang bagay na nagpapasaya sa atin. For example, bumili ka ng bagong iphone. At first, excited ka at super alaga ka dito. Pero after one year, sawa ka na at gusto mo ng bumili ng bago. Alam nyo ba na 2 years lang ang marital bliss? After two years, ang happiness mo ay babalik na sa level nito before ka ikasal. So how to trick your brain? Sabi ng mga eksperto, mag-invest hindi sa pisikal na bagay (like iphone) kundi sa experience. Sa ganun hindi makakasanayan ng utak mo. Magbakasyon ka sa Boracay. Diba minsan lang yun? So excited ka dahil hindi mo yun every time nararanasan. Try new things you've never done before kesa bumili ng material things na pagsasawaan mo din.


4. Have purpose in life.

Ang purpose ng positive psychology ay tumutukoy sa "What makes life worth living." Magkaroon ka ng purpose para hindi ka madaling ma-depress. Madaming tao ang madaling sumuko sa life kasi hindi naman nila alam kung bakit sila nandito sa mundo. Dahil doon, feeling nila walang difference kung pinanganak sila o hindi. So, pakisagot ang mahirap na tanong na ito, "Bakit hanggang ngayon, hindi ka pa nagsu-suicide?" Ang magiging sagot mo ang purpose mo sa life.


5. Be joyful not just be happy.

May pinagkaiba ba yun? Oo meron. Ang happiness ay feeling good lang at fleeting. Nano-normalize ng brain mo. Pero ang joy hindi. Joy talaga ang dine-describe sa 1. Ang joy ay fruit of the spirit (Galatians 5:22). It is inner happiness that is connected with God. It is the emotion associated with finding God and finding purpose in life.


Hope nakatulong ang blog na ito sa'yo. Hanggang sa muli lovelifes!🍒


To know more about positive psychology, watch Dan Gilbert’s ted talk:


If you want to study positive psychology for FREE, try this Coursera online course:



コメント


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page