DEPRESSION
- Fruit of Joy
- Aug 11, 2021
- 2 min read
Updated: Sep 28, 2021
DISCLAIMER: I'm not an expert. Don't use this list to diagnose yourself or your loved ones of depression. Consult a physician.
This is how I experienced it. In no particular order. At bakit mali na i-normalize mo ang depression as expression lang. Kasi kapag sinabi mong depressed ka, mararanasan mo ang mga ito:
1. YOU DON'T FEEL ANYTHING AT ALL
At first, akala mo, malungkot ka lang kasi may nangyaring hindi maganda. But then, habang lumilipas ang mga araw at linggo, hindi naman lumilipas yung nararamdaman mo. Hanggang sa one day, nawala din ang lungkot. Pero hindi naman napalitan ng saya. Wala ka nang nararamdaman o parang may butas sa loob mo. Hindi mo maintindihan. Basta, hindi ka masaya at hindi ka malungkot. Hindi mo sure kung tao ka pa o robot ka na.
2. IT DOES NOT ALWAYS DEPEND ON EXTERNAL CIRCUMSTANCES.
Sa una akala mo gano’n yun. Pero kapag palagi na lang siya na parang wala namang trigger. Nagiging automatic response. Alam mo yung, okay ka naman, nakakapag-aral ka. Nakakapag-work ka. Wala ka namang sakit. Pero kapag wala kang ginagawa o kapag mag-isa ka, napapaiyak ka na lang? Ang weird diba?
3. YOU CANNOT EAT OR SLEEP.
Sa iba, dito nagsisimula ang lahat. May anxiety kaya di makatulog sa gabi. O kaya naman, naa-anxious ka kasi di ka makatulog. In short, pedeng manifestation ng anxiety mo o mag-trigger ng anxiety. Sa pagkain naman, akala mo wala ka lang gana or maysakit ka na. Pede din naman. Psyschosomatic illness ang kauuwian mo o kaya malnutrition.
4. YOU DON'T ENJOY THINGS YOU ONCE ENJOY.
Parang katulad ng number 1 pero inihiwalay ko ito kasi I think matindi na ito. Dapat magpa-consult ka na talaga. Kasi yung nagpapasaya sa’yo, hindi ka na masaya. Minsan naiisip ko, na-normalized lang ba ng brain ko yung nagpapasaya sakin o mali ako ng akala ko na magpapasaya sa akin?
5. YOU'RE CONTEMPLATING SUICIDE.
When you’re undergoing depression, para kang nasa black hole. Akala mo, para makaalis sa black hole, you need to get out of this life. Ang tanong, sure ka ba? Iyon ba talaga ang solution? Kaya need magpa-consult kasi kapag naiisip mo na ito, mapanganib na. Suicide is not reversible. Don’t make irreversible decisions based on reversible feelings and circumstances. So, I strongly recommend, talk to someone. Seek help.
Parang may butas ang puso mo at may cancer ang mind mo. Cliché again pero totoo, si God lang ang makakapuno ng butas sa puso mo. Kapag nag-decide ka na lumapit sa Kanya, everything will fall into its own rightful place. Kapag sinabi kong lumapit ka, ibig sabihin, makulit na paglapit. Paulit-ulit. Araw-araw. Kakausapin mo. Para kang nanliligaw. Si Lord naman ay hindi pakipot. Kapag lumapit ka ay lalapit din naman sya.
Next blog natin, overcoming depression.
Artwork by ArtisTinay

Comments