top of page

PAANO MO NASABING NAKA-MOVED ON KA NA?

  • Writer: Fruit of Joy
    Fruit of Joy
  • Jun 23, 2021
  • 3 min read

Updated: Oct 10, 2021

Hindi ko na sasagutin yung paano ka makaka-moved on kasi alam mo na yun eh. Doon na lang tayo sa kelan mo masasabing okay ka na talaga.


1. Madali lang mag-moved on pero pinapahirapan mo lang.

Sabi sa nabasa ko, “Love survives reality”. Kapag wala na kayo at no chance of getting back together, tanggalin mo na yung hope mo sa heart. Tingin ko madaling makamoved on by mind lalo na kapag di mo na sya nakikita. Pero your heart remembers. Kaya tanggapin mo na ang katotohanan na wala na kayo. Yung love na sinasabi ko sa quotes ay love yourself kaya kaya mong mag-survive without him/her!


2. Hindi sagot ang new relationship.

Ang sugat kapag tinakpan mo ng band aid, hindi ibig sabihin magaling na. Andyan parin. Hindi mo lang nakikita kasi may takip. Ganun din sa romantic relationship. Moved on ka na if okay lang sayo na single ka muna. Kasi kawawa din yung bago mo. Rebound sya tapos user ka? Tsaka ka na mag-commit ulit kapag ready ka na at healed na completely.


3. Indiferrent o love mo sya in a different way?

Sa pagmo-moved on may stages. Yung stage 1 ay yung kahit anong gawin nya, wala ka nang pakialam. Hindi ka na affected sa kanya. Maraming tao ang nakakaabot sa ganitong stage. Well, if hindi mo naman na nakikita ang ex mo, syempre makaka-moved on ka talaga. “Out of sight is out of mind” ika nga ni Victor Hugo, isang French poet.


Pero, hindi porket galit ka sa kanya moved on ka na. Sabi ni Elie Wiesel, isang American writer at Holocaust survivor, "The opposite of love is not hate, its Indifference."

Pero, may stage 2 pa. Konti lang ang nakakarating dito at dito mo masasabing healed ka na talaga. Maliit lang ang mundo at later on magkikita at magkikita kayo ng ex mo. Paano kung part parin sya ng buhay mo kahit hindi na kayo? Don’t shut him/her out of your life. Pwede mong sabihin sa sarili mo na later on maging friends kayo or kahit anong role man yan pero wag mong madaliin. Ang Stage 2 ay mas matagal na process. Parang clean slate yan eh. Before maging bago dapat matanggal muna lahat ng madumi para new inside out talaga. Yun ang role ng stage 1. Tatanggalin mo lahat ng negative vibes at bitterness sa heart mo. Then sa stage 2 na yung change of heart. Mahal mo siya pero hindi na romantic. Sa ibang paraan na as a friend, colleague, churchmate, etc.


Sabi nga ni Piolo sa Starting All Over Again na movie, “"I can never un-love you, I just love you in a different way now."


4. Mas mahirap parin ang brokenhearted kesa mag-moved on.

It pays to wait talaga. Sabi nga sakin ng kapatid ko dati, para daw literal na nababasag ang puso mo kapag nasaktan ka. Ang sakit sakit daw talaga. Kaya I believe kahit parang imposible, you can avoid that by waiting and praying for the right one. Sasabihin ng iba na magiging strong ka naman kapag na-overcome mo ang heartbreak. Pero strong ka ba talaga if alam mo nang mapapahamak ka tapos susugal ka pa? Pedeng sabihin ng iba na hindi naman nila alam. Well, watch out for warning signs sa simula palang na magbre-break din kayo later on kasi meron yan. Hindi mo lang nakita.


So, kahit jowang jowa ka na at feeling mo ang damot ni Lord sayo, hindi yan totoo. Kung njsb ka or no jowa since birth, may purpose yan. If ikaw naman ay ilang beses nang nasaktan, it’s time to rest mo muna ang heart mo. Darating din yan. Maghintay ka lamang.


And if makikipagbalikan ka sa ex mo, that's a different story na.


Take care and God bless lovelifes!



Comments


©2019 by Love, Life and Everything in Between. Proudly created with Wix.com

bottom of page